CHAPTER 8- Gift

289 170 250
                                    

☘️Andrea Borjan☘️

Nakarating ako sa garden na may dalang pagaalinlangan. Kinakabahan ako, bakit kaya ako pinapapunta ni Zilt dito? May gusto kaya siyang sabihin saakin? Inikot ko ang aking paningin para hanapin ito ngunit wala akong maaninag na anino. Umupo ako sa isang bench kaharap ng isang maliit na waterfall na may mga paru-parong nakaaligid dito.

*Arf Arf!*

Nagulat ako sa asong hinahaplos ang kanyang katawan sa paa ko. Marahan ko itong binuhat at inilagay sa mga binti ko.

"Wow! Saan ka nanggaling?" Hinaplos ko ang kulot nitong buhok at tinignan ang kanyang itim na mata. Hindi kaya kay Zilt ito galing? May pagkahawig kasi sila. Lumingon ako sa likod at sumilay saakin ang matipunong pangangatawan dahil sa suot nitong half pants at v-neck shirt na bumagay sa kanyang mga kalamnan sa braso at binti. Hindi na ako nagulat pa sa presensya nito dahil masasabi kong ang gwapo niya parati.

Tigiltigilan mo 'yan Andrea! Masamang magpantasya!

"Sorry for being late." Bungad nito. Tumalon ang aso na kanina ko hawak. Pumunta ito sa likuaran niya at winagayway ang kanyang buntot. Natuwa ako sa sobrang aktibo nitong gumalaw.

"Kararating ko lang din Zilt. What's his name?"

"He doesn't have any name yet. Can you give him a name?"

"Uhm, Leaf?" Pagtatawag ko sa aso at tumahol ito ng tugon.

"He likes it. You're the new owner now."

"Hala, totoo ba? Hindi ako marunong magalaga." Pagkakamot ko sa ulo. Tinanggap ni Leaf ang yakap ko at masaya ko itong nilalaro.

"Don't worry, he's a doll-type animal. Pindutin mo lang ang pendant niya at babalik siya sa dating anyo."

"You summoned him?"

"Tama ka" Nakabukas ang aking bibig sa narinig, kaya pala purong itim ang mga mata nito. Napahanga ako sa ginawa niya.

"Thank you sa gift." Tugon ko. Regalo niya si Leaf saakin dahil ako ang nagpanalo ng team namin sa Camping. Nakakapagtaka lang kung ganito rin ba ang ginagawa niya sa mga teammates niya. Sa itsura niya kasing seryoso at palatahimik hindi mo maikakaila na ganito siya mangtrato ng kapwa niya. Napakabait! Nakaramdam ako ng pamumula sa pisngi noong ngumiti ito pabalik at tumabi sa bench na inuupuan ko.

Ilang minuto ang nakalipas ay naging tahimik ang kapaligiran. Hinahaplos ko si Leaf sa ulo habang abala itong natutulog sa pagitan namin ni Zilt. Hindi ko maiwasang pagmasdan ang kalmado niyang mukha habang nakatitig ito sa rumaragasang tubig sa maliit na waterfall.

"You like this kind of place?" I cut the ambiance. Tumango ito atsaka sinagot ako.

"Yes, it gives me a peace of mind and at the same time it helps me to think better. How about you?" Lumingon ito sa akin kaya kaagad akong nailing sa pagtingin. Napansin niya ba na kanina pa ako nakatitig?

The Upper LevelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon