CHAPTER 5- Rise of the Emblea

299 182 339
                                        

☘️Andrea Borjan☘️

Minadali kong kinuha ang isang set ng damit na nakahanger sa closet at ipinatong sa katawan kung babagay ba ito. Isang loose white shirt at navy truck pants na high waisted ang ternong napili ko saka ako nagsuot ng isang white socks at black boots.

"Andrea, bilisan mo!" Sigaw saakin ni Vani na para bang may hinahabol. Kinagat ko ang pantali habang sinusuklay ang aking buhok. Napatingin ako sa orasan at late na nga kami sa magiging subject namin ngayon. Tinali ko ang aking buhok kasabay ng paglabas namin ni Vani sa dorm.

More on Trainings at User practice kami ngayong week para sa gaganaping Camping next week. Training ang tawag kapag kinakailangang ma-enhance ang endurance ng isang tao sa pamamagitan ng pakikipaglaban ng mano-mano habang ang User practice naman ang tawag kapag ineensayo namin ang aming kapangyarihan.

Pinagmasdan ko ang aming guro na tinitignan ang schedule na nakalagay sa isang clip board. Ipinagdadasal ko na hindi User Practice ang mapupunta saamin dahil madadale ako lalo na't healer lang ako. Ganoon din sa Training, hindi pupwedeng gamitin ang kapangyarihan kaya kapag napuruhan ako ng magiging kalaban ay siguradong sa clinic ang bagsak ko. Pero wala nang talikuran 'to dahil kung mananalo man ako sa Camping next week, malaki ang posibilidad na mapupunta ako sa higher level.

"Andeng!" Lumingon ako kay Elion. Nanliit pa ang mga mata ko para matanaw ito na kumakaway saakin. Napansin ko ang pagtingin ng ibang Upperians sa banda namin dala ng kuryosidad. Ngumiti ako ng mapait at sinenyasan na bumalik sa kinaroroonan niya. May iba't ibang schedules kasi ang bawat Levels, minsan ay nagkakasabay din kaya maswerte kami dahil tuwing Trainings ay kasabay namin ang Upper Level. Teka, Ibig sabihin training gaganapin sa ngayong araw!?



"Woah! Nakakamangha talaga sila." Dinig ko sa grupo ng kababaihan na kanina pa nagpapakipot sa mga kalalakihan ng Upper Level. Tinanaw ko na lamang ang kasalukuyan nilang close combat, napakalakas nga.

"Ah!"

Napadaing nalang ako sa sakit at napahawak sa bandang tiyan. Natauhan ako nang maalalang ako pala ang sumunod na kalahok sa paligsahang ito. Masyado na akong preoccupied sa mga pangyayari. Noong nakita ko ulit si Elion ay tumatak saakin ang pinaguspan namin kahapon patungkol sa mga traydoy ng eskwelahan.
Tumakbo ako at iniwasan ang isa pang tira ng aking kalaban. Maigi kong pinagmasdan ang distansya naming dalawa sa linya dahil kapag lumagpas ay magiging foul ito at bawas puntos sa may kagagawan. Napansin kong humakbang ito ng patalikod at bumwelo na para bang susugurin niya ako sa pagkakataong wala pa ako sa sarili.

"Ms. Borjan! Focus!" Saway ng guro namin.

I gasped for air hoping na makakalanghap ako ng sariwang hangin pero dahil sa dala ng sikat ng araw ay ang pawis na siyang nalalanghap ko. She gave me a grin and ready to punch my face. I can't lose my pretty face for this training. Aabot pa 'to sa Camping noh! So, I immediately bowed my head down to her arm and dragged her left abdomen using my elbow but she swiftly loose her arms and twisted mine so that I can't do it again. I groaned for pain and massaged my right arm, para bang may nabali sa ginawa niya. Isang rule na hindi pwedeng gamiting ang healing powers ko dahil automatically disqualified kaya ine-endure ko ang sakit na natamo ko.  Ilan pang iwas ay nakahanap ako ng tsempo na tadyakan siya sa binti para mapaluhod siya.

The Upper LevelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon