Chapter 8: First Day Working With You Too

19 7 0
                                    


<RED's POV>

Pagkatapos naming gawin yung magazine namin na project sa school.

Dinala ko si Puti sa Ice cream house namin. Nabobored daw eh, tsaka ang sungit kasi kanina para naman makabawi ako. Manghang-mangha nga siya sa place eh. Nakakatawa nga eh, Parang bata. HAHAHHA

"Ano sayo?" sabi ko.

"Hah?"

"Anong sayo sabi." bingi ba sya? LOL

"Ayyy yun lang pala. Kala ko nagkokorean kana eh." binigyan ko lang sya ng weird look. Bat ako magkokorean. Tsk. May topak ata to eh.

"Ang ganda naman ng Place." Sabi nya habang naamazed.

"Talaga ba?" Napasmile lang ako.

"Bakit? Sa inyo to?"

"Hmmmp. Oo. Bago pa kasi kaya di pa masyado puntahan. Yung kapatid ko nag-suggest. Kakabilib nga eh. 10 palang marunong na sa business."

"Wow. buti pa siya. HAHA. Galing nga eh. So lahat ba ng business nyo Ice cream house?"

"Hindi ito lang yung Ice cream house."

"Ahh ganun ba. Galing naman. So libre tayo dito? hihi"

HAHAHA. Natawa lang ako sa sinabi nya. Kapal rin pala ng mukha nito. LOL

"Hello Mr. Lynch, So good to see you here. Ano po sa inyo?" sabi sa akin nung nasa cashier. Kilala ako dito eh. Malamang

"Anna's Kiss akin. Sayo?"

Hindi sya sumagot agad, mukhang nag-iisip kung ano yung oorderin nya. Pano? Ang weird ng mga name ng menu.

"May Cookies and Cream ba dito?" sagot nya

"Meron. Ung Olaf's Cookie"

"Ok yun na lang."

"Sige. Isang Anna's Kiss at Olaf's Cookie. Salamat. Dine in."

Naghanap na kami ng mauupuan tapos itong si puti di pa tumigil sa kakatitig sa lugar na to. Hayyys.

"Sige titigan mo lang yung buong place. Baka ma-melt pa eh." sabi ko nung naka-upo na kami.

"Sige na nga wag na. Pwede ba gayahin to? patayo rin ako ng sa akin. HAHAHA"

"HAHAHAHa. Loka ka din eh noh. Edi kami lugi" totoo naman kasi. lol

"Ok lang yaman mo naman eh. May branches na ba ito?"

"Wala pa nga eh. Ito palang. Pero plinaplano palang kasi nila. Yun naman sabi"

"So, Business rin pala pasok ng Parents mo?"

"Oo, Laging busy. Laging walang time. hayys." Napabuntong hininga na lang ako.

"Relate ako sayo."

"Ok lang yan . Atleast maganda't gwapo tayo. HAHAHAHAHa" Natawa na lang ako sa sinabi ko. Wala lang, gusto ko lang laging banggitin ung gwapo kasi lagi syang naiinis eh. kakatuwa. HAHAHa

"Loko, Hangin naman dito. "

SAbi sa inyo eh, maiinis sya. hahahaha

So walang umimik hanggang sa nagtanong sya.

"Uhmmmm... Diba transferee ka? San school ka galing?"

Huh? Bat naman nya natanong? Ano to? Interview?

"Bat mo natanong?"

"Wala lang. Bakit masama?"

"Hindi naman. hahah. Sa B.I.S bakit?"

"B.I.S? As In British International School? WOW. Bat ka lumipat? ang ganda kaya dun." Grabe ah. Manghang-mangha sya. Ano ba meron sa school na yun?

"Oo nga, Kulit. Uhmmm. HAHAHAH. Wag na baka di ka maniwala sa rason eh." Kakahiya kayang sabihin yung past ko doon na Laging nagbobolakbol, BI, Lagi nasa detention. Hay naku. Wag na.

"Luh. Ayaw pa sabihin. Sige na Red. Please" Nagpuppy eyes naman sya. Sus. Waepek yan.

"Ayaw ko nga. Bleeeeh." Dinilatan ko sya :p para lalo syang mainis. hahahah

Nagpout sya bigla. " Sige na Please, Please, Please, Please," Tapos maya tumayo sya tapos kinuha yung kamay ko tapos nagtatatalon haang nagple-please. Bata ba to? hahaha. Kakatuwang panuorin. mamaya iuwi ko to eh.

"Ano ba, Oo na, Oo na. Upo kana." Kakahiyang kasama to eh. No Choice na ako .

"Ganito kasi. Once upon a time, There was an ubod ng gwapong lalaking nag--- Ouch! Ano ba!" inupakan ba naman ako? Sakit ahh.

"Umayos ka nga. Nakikinig na yung tao eh." Ay seryoso si ate.

"Oo na. Yung mg pinsan ko kasi mga B.I. Lagi kaming nagbobolakbol. Ewan ko ba sa mga yun napapasama lang naman ako. Dahil dun lagi kami sa detention. Minsan nga suspended kami eh. Kaya kilalang kilala ang apelyidong Lynch dahil sa amin na magpipinsan. The Trios nga daw eh kaso kilala kami di lang dahil sa bad boys kami. Syempre dahil gwapo kami. Heartthrob kaya kami dun. may mga fans pa kami."

"Loko. Seryoso kasi? Yun na yun? bat mu naisipan lumipat dito?"

"Yung mom ko kasi gusto nya daw malinisan yung name ko. Kaya ayun sa school niyo ako naipunta. Kaya eto nagbabagong buhay. HAHAHa" natawa lang ako sa sinabi ko pero lahat ng yun totoo. Grabe naikwento ko talaga sa kanya?

"Sus. Nagbago ba yan? yabang yabang mo parin eh. HAHAHAHAHA" Lakas ng tawa ba. Parang witch.

"May isang di nagbago." sabi ko

"Ano naman yun?" mukhang willing nyang malaman. Maloko nga. HAHAHA

"Ang Precious Pogi Face ko." SAbay taas-baba ng kilay pa yan ah. HAHAHA

"Ewan ko sayo!" Aba. Maldita. hahhahaha

"Here's the Blu Twist Sir." sabi nung waiter na inaabot na yung specialty dito. Nagpaorder ako para naman matikman ni Puti yung pinakamasarap na pagkain sa mundo. hahaha

Grabe sya makatitig sa pagkain. Investigador ba to? mukhang detalyado ung pagtitig ah. hahahaha

"Ano tawag dito?" SAbi nya habang tinitignan ung food. Di ba nya narinig yung sinabi nung waiter? Bingi ba talaga to? hahah.

"Blu Twist" sabi ko

"Blu twist?" ay naku. bingi nga talaga sya. Tssss.

"Name ng kapatid ko yung Blu. Kaya yan." Explain ko sa kanya

"Ahhhh. So ikaw si Red, siya si Blu? Anong meron sa mga colors? hahahaha" Tawang tawa sya eh. Nang-iinsulto ba to?

"Aba malay ko. Ako ba nagpangalan?" Natawa na lang ako.

------------------

"Thank you pala sa libre hah." singit nya.

Maasar nga. "Di yan libre. Utang yan. HAHAHA"

"Edi wow. Joke mo lang yan eh."

"Hindi totoo to." Sakto namang lumapit ung waiter para ibigay yung bill

"here's the bill sir" Sabay abot nung waiter nung bill sa akin.

"Wag mo sa akin ibigay. SAkanya. Utang daw muna. Pero lam ko na bawal utang dito kaya paghugasin mo na lang sya ng pinggan." Pang-aasar ko sa kanya.

"Aba! Ang kapal! Sya kaya nagsabi na ilibre ako! Wag ako singilin mo!" Kausap nya yung waiter. Sigawan ba naman nya. hahahahha. Lahat ng tao dito nakatingin sa kanya. HAHAHAHAHA

Nakakatuwa talaga sya pag-inaasar mo kaya gustong-gusto ko na laging inaasar eh. Sana masundan pa tong araw na to. :)

----------------------------------------

Wait for Another Update again. Did you enjoy?

Leave some suggestions and comments. Dont forget to share and vote for this story. Thanks!

(c)YapIamThatGhirl

Four Eyed GeekWhere stories live. Discover now