Chapter 16: Pretend to be true

18 6 0
                                    



<Meka's POV>

Nakarating na kami ngayon sa school, ewan ko na lang kung ano magiging reaction nila.

pagdating namin tapos na pala yung program. Ganun ba kami katagal dun? Hmmmmp.

Nasa canteen daw sila ngayon nagmemeryenda, nagtext kasi si Jeri eh. Kaya dun na kami nagdiretso ni Red. Kung alam nyo lang na lahat ng estudyante ngayon na nadadaanan namin is nakatingin talaga samin ni Red. Hayyys. Buti na lang walang ganitong rule na bawal sa school. Kundi, paktay kami ngayon ni Red!

<Dwight's POV>

Ewan ko ba kung bakit ko naisip tong plano na to.

Gusto nyong malaman kung sino nagkakagusto kay kenzie? Ayaw ko nga :p Bleeeeeh. Ayaw ko ngang sabihin na si Red yung may gusto sa kanya. Ayaw ko-----

A/N: Ano ba dwight! sinabi mo na ehh -__- Haynako.

Ay ganun ba? Pasensya. Ano ba yan. Gusto ko lang naman kasi tulungan yung pinsan ko eh, bat ko alam? Syempre kilala ko na sya. Hindi yun ganun pag di nya gusto si kenzie, natotorpe lang yun. Kaya papaselosin ko sya. ;) para naman maamin nya na kay kenzie na gusto nya ito. Hmmmp. Siguro hinahanap parin nung pinsan ko yung ka-eye match nya. Alam nyo ba yun? yung myth? ewan ko ba kung totoo yun. Siguro di naman na uso yun kaya sana di na nya paniwalaan yun, Bagay kaya sila ni kenzie, diba? Agree naman kayo oy. Gwapo rin naman yung pinsan ko na yun eh, tulad ko kaya imposible na hindi magugustuhan pabalik nun ni kenzie. Ano aangal kayo? HAHAHA. Gwapo to! MAchicks nga lang. hahahaha

Nandito nga pala kami sa canteen ngayon, pumunta daw kasi sina red at kenzie sa MOA. Di man lang nagpaalam? Baka nagtanan na yung dalawa, wla pa lang yung plano ko eh? O baka nasabi na ni red yung nararamdaman nya?! Edi Sakto! wala na ko proproblemahin! Sana nga!

"Parating na daw sila" sabi nitong babae na nasa tabi ko si kwan... si... Ano nga ulit pangalan nito? Avril? Avril Lavigne? HAHAH. ewan basta A ang simula.

after 15 mins. naaninag ko na sila. Sila ba yun? eh pula yung buhok e. OO! Sila nga. Nagbalik ang Kulay ng buhok ni Red nakakamiss rin yung pagiging playboy nya. Whahaha. Kung hindi lang strikto nanay nya siguro ganun pa rin sya ngaun. Pero si kenzie! Red din yung hair nya? HUH?! anong nangyari?

"Pasensya guys ah, etong kasi si Red eh." sabi ni Kenzie ng nasa harapan na namin sila

Napansin ko namang nakatulala yung mga kasama ko. Lalo na yung mga tropa nitong si Kenzie. Natatawa ako! Laptrip HAHAHAH. Lahat sila naka o_0

"So ano tol? Nagbalik ang tunay na Red!" sabi ko sabay nagsisign na magfifist bump.

"Ano kaba tol, Hindi na ko babalik sa dati, gusto ko na tong bagong ako noh. Tsaka ako parin naman to noh, Namiss ko lang yung kulay ng buhok ko dati" sagot ni Red

"Namiss mo lang pala yung dati mong buhok tapos dinamay mo pa ako?!" masungit na sagot ni Kenzie kay Red

"Pasalamat ka nga dahil nilibre kita, di ka pa nagpasalamat! wala ka ngang ginastos kanina eh! Ako lahat!" pasigaw na sagot ni Red

Ayan na naman sila. Nag-aaway na naman. Haynako. Hindi ba sila nagsasawa na mag-away? Aso't pusa nga naman, lahat naman ng ganitong kwento bumabagsak sa forever diba?

A/N: Walang Poreber Dwight! A.S.A! Tsaka wag ka ngang Spoiler jan!? Naku... Idedelete kita dito! Sige ka... ^_^V

HAHAHA. Joke lang Miss A eto naman. Sige na good boy na to. -_-

So ayun nga....

Sisimulan ko na ba ngayon yung plano? Hmmmp. Maya maya na lang. ayaw kong sumingit sa away nila. lahat na lang kami pinapanood silang nag-aaway. Kulang nalang eh magpakasal na sila, parang mag-asawa sila kung umasta.

Four Eyed GeekWhere stories live. Discover now