Chapter 14: We'll Pretend

20 6 0
                                    



<Meka's POV>

Eto na ang pinakahihntay ng AA students! Ang Foundation Week!!!! Andami na ring nakatayong mga booth sa oval isama mo pa yung mga rides, malawak rin kasi tong oval na to. Sa pagkakaalam ko nung sabado pa nila ito naprepare, Hindi ko nga alam kung anong booth ang pinatayo ng section namin. Kasama ko ngayon sina Aril, Jeri at Evilyn. Naglilibot kami ngayong apat sa oval. Tinitignan kung ano ang pwedeng gawin. Umagang-umaga eh noh? Hindi pa rin nagsisimula yung Opening program, sa pagkakaalam ko sa Gymnasium magaganap yun kasi dun lang naman yung pwedeng pagheldan ng program lalo na at buong AA ang dadalo.

May Photo booth din kaming nakita, booth ng lower years. May kissing booth pa nga eh. Pero yung stamp lang na parang lips yung ginagamit pwede rin naman yung friend mo magkikiss sayo. HAHAHA.. Ang kyut nga eh. Bat ko alam? Nakikita ko malamang. HAHA.

"Oy meka! Tignan mo yun oh!" sabay turo ni Evilyn

"Asan?" tanong ko habang patingin-tingin sa paligid ko.

"Ayun oh! Marriage Booth!" Excited nyang sabi.

"Asus. Kala ko naman kung ano na. Oh tapos??"

"Ang KJ mo naman.." lungkot na sagot ni Evilyn

"KJ agad? Grabe ka naman. Wla palang eh."

"Osige para di ka masabihang KJ. Magpakasal nga kayo ni Red jan. Ayyiiiie"

"Oo nga, Ayiiiee." Sabay nung tatlo

"Ayaw ko nga, kayo kayang maikasal dun sa pulang unggoy na yun. Duhh! No!" Ang arte ko noh? HAHA

"Sus, pa deny ka pa. Ang gwapo kaya ni Red. Kulang na nga lang eh, Mag-artista sya, Parang model lang ang peg." panunuyo ni Aril

"Oo nga, Model, model sa tabi-tabi, model ng Saging."

Nagtawanan naman yung tatlo. Mga baliw talaga.

"Oyy, speaking of." sabi ni Jeri

Napalingon naman kami sa kung ano tinitignan nya.

"Sina Red! Tsaka sino yung mga kasama nya? AMfofogi naman." amazed na amazed na pagkakasabi ni Aril.

"Lokaret to, mga pinsan nya yun." sagot ko

"Lahi pala talaga nila ang pagiging pogi, mapakasalan nga isa sa lahi nila baka kumalat ang lahi naming maganda't gwapo."sabi ni Aril

"Asa ka naman. baka masira lang ang lahi nila." pang-aasar ni Jeri

Tinignan ko lang sila papunta dito. Para silang gangster kung maglakad eh. HAHAHA. Yung parang Grand entrance. HAHAHAHA. Napansin ko naman lahat ng mga students na nakapagilid ay nakatingin sa kanila. Ang astig kasi nilang tignan mukhang mga bad boy, ang cool ng suot nila. Oo ang cool kasi di kami ngayon naka-uniform eh. Naka-all black sila. Parang nagmatured nga si Grae eh, yung 14year old? Tapos.... Taposssss. Mas gumwapo si Crush <3 ayiiiiiie. LOL. Joke lang. hindi naman ako adik na adik sa crush ko noh. Ang gwapo lang kasi nya. charrr

"Hey guys." bati ni red. "Pasensya ngayon lang ako nakarating. Sinundo ko pa kasi sila."

"Hello sa inyo." bati nina Jeri

"Eto pala mga pinsan ko, Sina Dwight, Grae at Blake." pakilala ni Red sa tatlo

"Hello... Hayyyyys" para silang natutunaw sa kakatitig. Lols

"Hi kenzie!" bati ni Dwight sa akin.. sa Akin??! Ayiiie. Kilig mats si ako.

"Oy!"

"Aray Naman Red!" binatukan ba naman ako?

Four Eyed GeekWhere stories live. Discover now