Chapter 29: The Other Side

16 1 0
                                    


<Aril's POV>

"Kain tayo."

"Hah?" tanong ko.


Nawala ako sa pag-iisip kanina, kasama ko pala tong si Blake.


"Sabi ko kain tayo, San gusto mo?" tanong ulit niya

"Kahit saan na." Hiya kong sabi


By the way... Andito kami ngayon sa Mall, nagyaya kasi siya eh at Oo absent ako ngayon -.- Eh bakit masama mag-absent? Kailangan perfect attendance? Dibale ngayon lang naman... Ngayon nga lang ba? Hayyys.


Nakita kong tumigil si Blake ng paglalakad kaya tumigil na din ako, nasa harapan namin ngayon ang MCDO.

"Dito gusto mo?" tanong niya.

"Sige" tipid kong sagot.


Naglakad naman kami paloob ng MCDO, sakto may upuan pa na hindi pa nauupuan, medyo marami na rin yung tao kasi Lunch Time.


Nahihiya talaga ako pag kasama ko siya, I don't know why?

"Kanina pa tayo ikot ng ikot dito sa loob ng mall kaya kumain ka muna. Ako na mag-oorder." pagkasabi nya nun iniwan na niya ako at pumila sa counter.


Hindi man lang tanungin kung ano gusto ko? Mamaya bigyan niya ako ng Kanin lang eh. Walang ulam. Tssss. Pwede ba yun? Hays.

Tuminigin tingin naman ako sa paligid ko, then this person caught my eye!


Is that Red? Napansin ko siya dahil sa buhok niya, pula kasi. Nakaside view kasi siya, kumakain rin sila? Wait. Si ate Jeri ba yun? Hala! Sila nga. Bakit sila magkasama ngayon? Nag-absent rin sila? Malamang andito nga sila eh! Hay nako Aril! Pero bat sila naka-uniform? Cutting class ulit?? Tssss.


Sila kaya? LOL.


"Eto na oh." biglang binaba na ni Blake yung tray.


Tinignan ko yung mga binili niya, May McFloat, McFlurry, May Rice at Chicken, tapos Spag!


"Alin sayo dito?" tanong ko

"Yung spag at McFlurry. Waeyo? (bakit)" Nagkokorean na naman siya. Ano ba yan. Pasalamat siya nakaka-intindi ako ng Basic. HAHAHHA

"Eobseo. (Nothing) HAHAHHA" Natawa ako sa sinabi ko. Feeling Koreana.


Napatawa din siya.


Nagsimula na akong kumain, di ko mapigilang tumingin sa pwesto nina Ate Jeri, makatawa naman sila, wagas! Ganun ba sila kaclose? Mas close pa kay Meka?

"Yah! Anong tinitignan mo?" biglang tanog niya

"Ah?.... Wala. Sige kain ka lang."


Nakatitig lang ako kay Blake habang iniikot niya yung tinidor sa Spaghettie, He seems so cute ^_^ Parang koreano. LOL

"Yah! (hey)"

Four Eyed GeekWhere stories live. Discover now