Chapter 10: The Twins

18 7 4
                                    



<Red's POV>

Sabado na naman. 5 months na namin tong ginagawa (From June till now-Oct).. yung project kay sir. *Refer to Chapter 5* Nakahiga pa rin ako, Hintayin ko munang mag 7 bago ako bumangon. Nakakatamad eh. Tsaka ngayon sa bahay ni Meka kami gagawa. Tas sabi nya isama ko daw ung mga pinsan ko. Tssss. Ayaw ko nga. Ano sya? sineswerte? Para makasama nya yung pinsan ko?! Ano ba yan! tuwing naalala ko na crush nya si Dwight naaasar ako! Hindi ko nman gusto si Meka! pero bakit ganito? Basta ang alam ko lang pagkasama ko sya. Masaya na ako. Lalo na pag-inaasar ko sya.. Nakakatuwa kasing panuorin sya pag naasar na. HAHAHA. ano ba yan. Lagi ko na lang syang naiisip.

7 na pala. so bumangon na ako para magprepare. Pagbaba ko meron na si Mama, nagbakasyon at inasikaso ung business namin sa HK kasama ng dalawa kong kapatid. Yap may kapatid pa ako pero little sister and brother. Kambal. Kyut nga nila eh. Nagmana sa kagwapuhan ko. Ano aangal kayo? HAHAHAHA. dibale na. pero negative side nila super kulit at besides magagaling rin sila. Talo nila ako sa pag-iisip. LOL

"Nak, hassle sched ko ngayon eh. kagagaling ko lang ng Hk pero pinapapunta ulit ako ng Dad mo sa UK eh. Kailangan daw ako." sabi ni mama habang nag-aayos ng gamit.

"Ano ba yan. Kakarating mo lang ma, alis ka agad?"

"Oo nak eh. Pasensya na."

"Ung kambal ma, Isama mo ulit?"

"Hindi na, kailangan na nilang pumasok ng school baka marami na silang mamiss sa class. Ikaw na lng bahala sa kanila."

"May pupuntahan ako ngayon ma eh."

"Isama mo na lang. Kawawa naman sila walang kasama dito sa bahay. yung mga maid naman eh busy rin sa trabaho dito sa loob, baka hindi rin nila maasikaso."

Ano ba yan. Magiging baby sitter ako?! Hindi naman sila baby. 10 na sila pero dependent parin sila eh. na-Spoiled kasi. Lam nyo na bunso. diba?

"Osige na nga ma."

"Osige na at flight ko na mayang 8:30" sabi ni mama na mukhang nagmamadali at hindi na alam kung anong gagawin. Kawawa naman si mama ko, wala pang pahinga.

"Osige ma, Ingat ka."

"Sige nak. Loveyou. I Will miss you. Ingat kayo dito" sabay hug ni mama

"Sky, Blu. Be good, okay? Don't let your kuya be mad on you both. He will take care of you, as long as I'm not here." sabay kiss ni mama sa kambal

"Yes Mom. Bye. We love you." sabi nung dalawa.

"Ok bye." Pagkasabi ni mama nun, umalis na sya agad.

Nagbihis na rin ako at kumain na. Mageeight na eh. baka magalit na naman si puti.

so pagdating namin sa may gate ng bahay nila, pinagbuksan na kami ng gate at ipinasok ko yung kotse ko. then pinark ko na. pagbaba namin sinabihan ko yung dalawa na wag makulit then nag oo naman sila.

Pagkaloob sa bahay nila pinaupo naman kami ng yaya nila dito. ilang times na rin ako nakapunta dito. kasi salitan yung pagpunta namin sa mga bahaybahay.

pagbaba nya sa hagdan nakapantulog parin sya. At halatang kakagising lang nya. HAHAHAHa. kakatuwa siyang tignan.

"Good Morning sleepy head!" sigaw ko.

"Bat ka nandito?" para bang nagulat sya na nandito ako

"Aba! Aba! nakalimutan mo na ba at Saturday ngayon?"

"Geeez. Oo pala. I almost forgot."

"Anong Almost? You really forgot." sabay tawa ko.

"Edi wow. Loko ka." bumaba naman sya sa hagdan

Four Eyed GeekWhere stories live. Discover now