Chapter 1: She's familiar

106 5 0
                                    

chapter 1: she's familiar.

SUMMER'S POV

*knock knock*

"Anak,pagbuksan mo nga." sabi ni mama.

Agad na akong tumayo sa pag kaka upo ko at binuksan yung pinto.

"Hi Summer!"sabi ni Rover.

Best friend ko sya since I was nine years old.Karamay ko yan sa lahat ng problema ko.Turing ko sakanya parang kapatid na pero mas lumala pa pala.


"Oh best ang aga mo ata.Anong meron?"tanong ko.


"Papasukin mo kaya muna ako,
pwede?"sabi nya.


Natawa naman ako sa sinabi nya.


"Haha!!! sige pasok."


Pagpasok nya agad syang umupo sa sofa sabay patong ng mga paa nya sa center table,feeling at home lang.


"Ano ba kasi kailangan mo best?"

"Yayain sana kitang mag audition sa isang band para sa school natin.Tayo kasi ang representative eh at tsaka makakalaban natin yung mga representative din sa ibang school,nag hahanap kasi sila ng vocalist at guitarist.So,ano sama ka?"tanong nya sakin.

By the way I'm a vocalist actually I have a band in school at si Rover din yung guitarist.

"Sige ba,anong oras?"

"Talaga? uhmm,6 pm sa may mall mamaya.Sunduin na lang kita ah?"

"Okay sige."

Paalis na sana sya nung bigla syang pinigilan ni mama.

"Oh Rover,aalis ka na? dito ka na kaya mag breakfast."

"Ah tita wag na po."

"Sige na."

"Hindi naman po ako makakatanggi sa inyo eh." sabi nya at nagkamot ulo.

Nilapag na ni mama yung pagkain at agad agad naman kaming umupo.Habang kumakain kami kwentuhan lang ng kwentuhan sina mama.Parang ngayon lang nagkita?

"Thanks po tita,mauna na rin po ako."

"Oh sige,balik ka ulit dito."

"Okay po."

"Sige po ma,hatid ko lang po sya sa labas."

Tumango lang si mama at hinatid ko naman siya agad sa labas.

"Sa susunod na pumunta ka dito,wag kang magpapakita kay mama kasi ang daldal nyo.Iingay tuloy ang bahay." sabi ko at kinurot yung ilong nya.

"Aray! alam mo ikaw di ka na nasanay sakin eh." sabi nya habang hinahawakan yung ilong nya.

"Tse! sige alis na." sabi ko at tinulak sya palabas.

"Hahaha. Sige,sunduin na lang kita mamaya ah." sabi nya at pumasok na

"Oo naman,kailan pa ba ako nagpasundo sa iba?" sabi ko.Oo, hindi ako nagpapasundo sa iba, sya kasi palagi sumusundo
sakin eh.

"Sabagay,sige alis na ako." sabi nya at pinaandar yung kotse at ayun,umalis na.

"Tinataboy mo ba ang kaibigan mo?" sabi ni mama na nakikinig pala.

"Huh? hindi po,bakit ko naman po gagawin yun? kaibigan ko kaya yun." sabi ko habang ngumingiti.

"Okay,ano nga ulit sabi mo kanina? madaldal kami?" sabi ni mama at nag crossarms

"Ah...eh...uhmm...hahaha...mama ano po ba kayo,hindi ko naman po sinabi yun eh,baka iba lang po yung narinig nyo." palusot ko.

The Game Between Lovers and Destiny (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon