Chapter 15: Courting Her

22 3 0
                                    

chapter 15.courting her.

Cris' POV

Lunch time na at nagpa alam ako kay summer na uuwi lang muna ako at babalik ako dito at exactly 1 pm pati rin si ate nagpa alam kay rover na sasama sya sakin. Papunta kasi kami sa isang flower shop ngayon.

"Miss? may carnation po ba kayo dito?" tanong ni ate dun sa nagbabantay.

"Meron po,anong kulay po ba yung gusto nyo?" tanong nung babae.

"Depende,ikaw na lang kaya yung pumili." sabi ko dun sa babae.

"Eto pong orange na carnation,
maganda po sya,sino po bang pagbibigyan nyo?"

"Ah~may liligawan kasi ang kapatid ko eh kaya you must choose the best color." sabi ni ate at nag wink.

"Etong orange nga po."

"Okay sige,yan na lang." sabi ko at binayaran yung mga bulaklak. Binalot nya pa para magmukha talagang bouquet.

"Salamat!" sabi ni ate habang nakangiti.Agad naman kaming dumiretso sa kotse.

"Ate,magugustuhan nya kaya 'to?" tanong ko habang nagda drive papuntang school.

"Oo naman,favorite flower nya naman ang carnation diba?" sabi ni ate.

"Oo,sabi nya." sabi ko.Yun naman kasi ang sinabi sakin ni wenna kanina eh,nung tinanong ko sya. Medyo naamaze pa nga ako sakanya kasi sa lahat at ng babae, sya lang ang ayaw sa rose. Eh,
almost lahat ng mga babae sa mundo ay mahilig sa roses.Iba talaga sya.She's just unique.

"Well,you shouldn't worry about it,I assure you,she would totally love it." sabi ni ate habang tinatapik yung balikat ko.

At the campus...

Pagkadating namin ni ate sa campus,nagsisiuwian na yung ibang estudyante,nakita ko rin si wenna na papalapit na samin habang si rover naman, nakasunod lang sakanya.Anong nakain ng engut na'to at nakasunod sya kay wenna?

"It's your time." bulong ni ate sakin.

"Ate,kinakabahan ako." sabi ko habang naluluha,ang bakla naman masyado neto pero para kay Sum,gagawin ko 'to.

"Kaya mo yan." sabi ni ate at nginitian ako.Umalis na si ate at naglakad naman ako papunta kay wenna.

"Cris,san ka pala galing?" tanong agad sakin ni wen nang makalapit sya sakin.

"Diba nagpaalam naman ako sayo?" tanong ko rin habang nakakunot ang noo.Nagpaalam naman talaga ako ah.

"Oo,nagpaalam ka sakin,pero di mo naman sinabi kung saan ka pupunta." sabi nya habang naka crossarms.

"Ah,galing ako sa isang flower shop,sinamahan ako ni ate." sabi ko na ikinagulat naman nya.

"Wag mong sabihin na carnation yung binili mo?!" tanong nya.

"Basta,lika muna dito,may sasabihin ako." sabi ko at hinila sya sa pinakagitna ng oval.Basta ganun.

"Hoy! anong gagawin natin dito?" tanong nya.Nagkumpulan naman yung mga estudyante sa mga gilid.

"Sum,alam kong wala na akong pag-asa kasi may gusto ka ng iba pero pwede bang bigyan mo rin ako ng pagkakataon na patunayan yung sarili ko na mahal kita...pwede ba?" tanong ko habang hinahawakan yung mga kamay nya.

"P-pero cris--" sabi nya habang nakatingin sakin ng deritso.

"Pwede ba?" tanong ko ulit.

"Ano bang ibig mong sabihin?" tanong nya habang naluluha pero pinipigilan nya lang talagang pumatak.

The Game Between Lovers and Destiny (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon