chapter 26: bonding.
ROVER'S POV
Papunta na nga kami ngayon as park,kotse ni sir kazuko yung ginamit namin.Yung kotse ko kasi,naubusan ng gasolina,kaya ayun! iniwan ko sa parking lot ng school namin.
"Rover,ituro mo na lang sakin kung saan ulit tayo liliko ah?" tanong ni sir.Di nya pa kasi kabisado yung mga pasikot-sikot dito eh.
"Sige po."
At the park...
Nandito na kami sa park ngayon,maraming tao,maraming mga bata na naghahabulan,at yung iba naman,mga nagda-date ata? Umupo muna kami saglit sa isang bench at pinagmasdan ang paglubog ng araw.Nakaharap kasi kami ngayon sa dagat.
"Ana—rover,kain tayo ng ice cream? libre ko." sabi ni sir.
"Wag na po,ako na lang po yung manlilibre sa inyo.Nakakahiya naman po kung kayo yung manlilibre sakin." sabi ko at tumawa naman sya ng mahina.
"No,it's my treat."
"Wag na po."
"As your teacher,please obey me." sabi nya at tumango na lang ako,mahirap na kung makikipagtalo pa ako sa isang guro.Baka bumagsak pa ako sa subject na hinahandle nya samin.
Pagkalapit namin dun kay manong sorbetero,agad namang bumili si sir ng isang cookies and cream! Wahhh!!! paborito ko rin yan eh.Sana dalawa na lang yung binili nya para naman sakin yung isa.
"Rover,anong flavor gusto mo?"-sir.
"Kahit ano na lang po." kahit gustong gusto ko ng cookies and cream yung bilhin nya.Eh? ano namang magagawa ko? nakakahiya kaya! sya pa yung manlilibre tas magde-demand pa ako? Konting respeto naman.
Bibili na sana sya ng chocolate peanut ice cream nang manlaki ang mga mata ko at pinigilan sya.
Bawala ako sa mani! I mean,
allergic ako sa peanuts.Sabihin nyo na makapal ang mukha ko! sayang rin naman yung ice cream eh kapag di ko kinain yun,kaya mas mabuti pang pigilan ko si sir sa pagbili nyan."Ah,Sir? allergic po ako sa mani eh." sabi ko at nagkamot-ulo na lang.
"Talaga? allergic ka rin sa mani?
pareho pala tayo...anong flavor na lang yung bibilhin ko?"-sir.
Woah! allergic rin pala sya sa mani? edi ayos! maiintindihan nya kung bakit ako umayaw as ice cream na yun kanina."Cookies and cream na lang po." Yeah! makapal na kung makapal ang mukha ko,isipin nyo na rin na demanding ako! pero opportunity ko na 'to eh.Wag nyong isipin na patay gutom ako ah? kasi iniisip ko na yun ngayon eh.
"Paborito mo rin ang cookies and cream?"-sir.Oh? wag nyo naman pong sabihin na favorite flavor nyo rin yan?
"Opo."
"Pareho tayo."
Ngek! ano 'to? lahat ng bagay magkapareho kami? what a joke!
"Ayos po kung ganun!" sabi ko na lang at bigla namang sumingit si manong sorbetero.
"Mag-ama ba kayo?"
o__O
Napagkamalan tuloy kaming mag-ama.
"Hindi po." sabay naming sabi.
"Ahh...ganun ba? magkamukha kasi kayo eh,tsaka pareho pa kayong may allerhik sa mani."
BINABASA MO ANG
The Game Between Lovers and Destiny (On-going)
Teen FictionSi Wenna Summer Suzara ay isang masayahing babae. Vocalist ng band ng school nila.Tinatak nya sa isip nya na dapat hindi nya magustuhan ang best friend nya na si rover pero nabigo sya dahil nagkagusto sya dito for 5 long years.Ito ang biggest secret...