Chapter 12:Rover's awake

30 3 0
                                    

chapter

SUMMER'S POV

Pagkatapos naming mag lunch ni tita,nagpa alam sya sakin na uuwi muna sya saglit para magpalit ng damit at kukuha din daw sya ng mga gamit ni rover. Kaya ako,naiwan dito kasama ang best friend/crush ko.

"Rover,gumising ka na please."
sabi ko sa sarili ko.

"Namimiss ko na kasing iwasan ka eh, sa totoo lang,gusto na talaga kitang kausapin tsaka pansinin kaso lang pinangungunahan ako ng pride ko eh." Patuloy ko pa ring kinakausap yung sarili ko.

"Lecheng pride kasi to eh.Bakit meron pang pride ang tao? eh yun lang nakakasira sa atin eh."
Hindi po ako umiiyak ah. Sadyang emosyonal lang talaga akong magsalita.OA man pakinggan pero yun po ang totoo.

"May gusto ka rin ba saking tukmol ka? Tss,imposible na ata yun eh." sabi ko at dahan dahang
hinawakan yung mukha nya gamit ang dalawang kamay ko. Ang gwapo nya talaga.Ang tangos ng ilong nya,ang haba ng pilikmata nya,at yung lips nya. Sobrang pula.Sarap tuloy halikan.Opps! wenna,pervert ka na masyado>_____<

"Tama nga si tita,bakit kasi pinanganak kang sobrang gwapo? tignan mo tuloy,dalawa kaming natamaan mo." sabi ko habang nakangiti,dahan dahan kong tinanggal yung pagakakahawak ko sa mukha nya at yung kamay naman nya yung hinawakan ko.I just sighed before I speak.

"Di ka ba napapagod sa kahihiga mo dyan? gumising ka na kaya dyan." sabi ko at inalis yung pagakakahawak ko sa kamay nya.Tatayo na sana ako para pumunta sa CR nang bigla syang nagsalita.

"S-summer?" sabi nya habang unti unting binubuka yung mga mata nya.Gosh! gising na sya.

"Rover? gising ka na? sandali lang tatawagin ko lang yung doktor." sabi ko habang may ngiti sa mga labi ko.Sobrang saya ko ngayon,dapat malaman kaagad to ni tita Rina.

"Doc! gising na po si rover! dali po!" sigaw ko at sumunod naman sila sakin pabalik sa kwarto ni rover.

Pagpasok namin,agad na chinek ng doktor si rover.Habang ako, naghihintay lang sa sasabihin ng doktor.Tinawagan ko na rin si tita na gising na si rover at on the way na daw sya.

"Uhmm,actually, his okay now but you can't bring him home just for now.We just need to make some observations to make sure that he's definitely okay."
sabi ni doc.

"Ah,okay po doc." sabi ko.

"I'll leave you now." sambit nya at lumayas na,este umalis na pala.

"Yes! rover gising ka na rin sa wakas!" sabi ko habang pinipisil yung kamay nya.

Pero ang ikinagulat ko nang bigla syang umupo mula sa pagkakahiga nya.

"Hey! what are you doing?" tanong ko.

"Tss,obviously I'm sitting." sabi nya in a sarcastic tone.Hindi naman ako bulag,eh noh? pilosopo rin itong lalaking 'to eh.

"Yah! kagagaling mo lang,kaya you have to rest."

"Hmm,binabantayan mo pala ako huh?" tanong nya tapos nag smirk pa ang loko.

"Uhmm..."

"Naalala ko pa nga na sinabi mong layuan kita,and bakit ngayon,ikaw 'tong lapit ng lapit sakin?" Ang yabang mo! sana pala di ka na lang nagising.Hindi joke lang.Sobrang saya ko nga kasi nagising na sya eh.

"And what now?!" tanong ko.

"Oh,chill lang,so dinadalaw mo nga ako?" tanong nya naman habang nakatingin sakin,yung tingin na nangangasar.

"No,ngayon lang ako nakapunta dito kasi sabi ni tita na may pupuntahan lang sya eh walang magbabantay sayo kaya ayun,ako yung napag tripan." palusot ko.

The Game Between Lovers and Destiny (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon