Chapter 11: We're both Japanese!

28 3 0
                                    

chapter 11.

Summer's POV

Tatlong araw na din mula nung mangyari yung aksidenteng yun.Aksidente ba yun? o sinadya lang talaga? ewan! Nakasali pa rin ako sa olympics kahit ganun yung nangyari sakin.Ako pa rin yung champion sa girl's chess habang yung ka teammate ko naman second.At si rover,hindi pa rin nagigising,sayang nga eh hindi sya nakasali siguro kung nandun sya baka nanalo na yung basketball team namin.Talo kasi yung basketball team ng SU. Lahat ng sports panalo ang SU except lang sa basketball. Nakakalungkot nga eh.For all this years,ang team ng SU sa basketball ang always number 1. Ngayon lang nangyari na hindi kami nakasali para sa regional.

"Tita? kailan po ba magigising si rover? hindi naman po sya comatose di po ba? sabi po ng doktor okay na po sya eh bakit ganun di pa rin sya nagigising?"
tanong ko.Binibisita ko kasi si rover pero sinabi ko kay tita na wag nyang sabihin na dinadalaw ko si Rover.Alam na rin ni tita yung tungkol sa crush matters ko.Buti na lang naintindihan naman nya.Sabi pa nga nya,boto daw sya sakin eh.

"Di ko rin alam summer eh, nagsalin na nga ako ng dugo para sakanya pero wala pa rin." sabi nya.

"Hoy rover! wala ka bang balak gumising dyan?! ikaw ah pinapasakit mo ulo ni tita." sabi ko at natawa na lang ako sa ginawa ko.Tama ba 'tong ginagawa ko? kinakausap ko ang natutulog?

"Oo nga nak,kailan ka ba gigising ha?" sabi ni tita na natatawa na rin.

"Tita,para tayong baliw." sabi ko at di ko na talaga napigilan yung sarili kong tumawa.Nakakatawa naman kasi talaga eh.

"Oo nga eh pero ngayon lang naman tayo nag bibiruan,
nakakasawa na rin kasing umiyak."

"Ako rin tita sawa na ako sa amoy ng ospital na'to." sabi ko at napatingin naman si tita sakin sabay tawa ng malakas.Totoo naman kasi,iba talaga ang amoy ng ospital.Halos lahat naman ng mga ospital ay ganito ang amoy. Yun ang dahilan ko kung bakit ayaw ko sa mga hospital.

"Alam mo ija,namiss kita,minsan ka na lang kasing dumalawa sa bahay eh."

"Diba po sinabi ko na po yung dahilan?"

"Kasalanan kasi to ng anak ko eh.Kung hindi lang sana sya pinanganak na gwapo,edi sana di mo sya nagustuhan." sabi ni tita.

"Oo nga." sabi ko.Parati na lang akong nag aagree sa lahat ng sinasabi ni tita.

"Mas gusto kitang kasama kesa sa Coleen na yun,parati na lang umiiyak eh,nakakasawa na kaya. Sa tingin rin ba nya gusto ng anak kong palaging iniiyakan?" sambit ni tita at ngumisi.

"Uhmm,about her tita,bakit hindi nya na po dinadalaw si rover?" tanong ko.

"Sabi nya kasi na gusto nya munang magpahinga."

"Ganun po ba? uhmm,tita laro po tayo para di po tayo mainip." sabi ko.Hindi ko alam kung anong pumasok sa brain cells ko at naisipang gawin yun.Maglaro? inside the hospital? seriously?

"Sige,ano ba gusto mo?" Yes! buti naman at nakisabay so tita sa trip ko.

"Hmm,ah yung parang magtatanong po ako tas kailangan nyo pong sagutin lahat,'pag hindi nyo po nasagot yung mga tanong ko,may punishment po." paglilinaw ko.

"Okay,how many questions ba ija?" tanong ni tita.

"Uhmm,wait...3 siguro?"

"Sige 3."

"I'll start the question tita,nasan po yung daddy ni rover?" sa tagal naming mag best friends ni rover,ni hindi ko natanong yan kasi sabi nya na ayaw nyang pag usapan yung tungkol sa daddy nya.Siguro,okay lang naman kay tita diba?

The Game Between Lovers and Destiny (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon