Chapter 13: Do I like her?

27 3 0
                                    

chapter 13.

Summer's PoV

Lunes na naman,may pasok na ulit.At tungkol dun sa lalaking bumaril kay rover,wala pa ring updates at pati na rin yung may atraso kay daddy hindi na rin nagpaparamdam,mabuti naman kung ganun kasi di na sya makakapanakit ulit.Yung mga bodyguards ko naman,hinired ulit nina daddy kasi nagpupumilit talaga akong ibalik sila eh.

"Sum,sa tingin mo ba papasok si rover ngayon?" tanong ni cris.

About rin kay rover,wala na akong balita simula nung huling dumalaw ako sa kanya.

"Sa tingin mo papasok ba sya? hmm?" tanong ko.

"Ibinalik mo lang naman yung tanong ko sayo sakin eh,pero sa tingin ko hindi sya papasok ngayon kasi baka kailangan pa nyang magpahinga." sabi nya.

"Why so concern about him huh?" Oo,simula kasi nung nabaril si rover,naging mas mabait sya sa bf ko (best friend po).

"Wala lang tsaka nagpapasalamat din ako kasi niligtas ka nya eh,habang ako? walang nagawa."
sabi nya habang nakayuko.

"May nagawa ka kaya,wag mong sabihin yan,lahat naman nangyayari kasi may purpose diba?" sabi ko at tinapik ang balikat nya.

"Sabagay,bilisan mo na kasi baka nagsisimula na yung flag ceremony." sabi nya.

Binilisan ko na lang ang paglalakad habang yung mga estudyante naman nakatingin samin ni cris.

"Anyare sa kanila?" tanong ko.

"Huh? ang alin?" tanong rin nya habang nakatingin sakin at nakakunot yung noo.

"Nakatingin sila satin oh." sabi ko sabay turo sa kanila.

"Hindi naman sila nakatingin satin ah,parang nakatingin sila sa likuran natin." sabi nya.Pero di ko maintindihan,nangangati yung batok ko,gusto ko talagang lingonin kung sino yung tinitignan nila.Nung malapit na kami sa oval,nakasalubong namin si Coleen at nakatingin sya sa likuran namin.

"R-rover? Rover!" sigaw ni Coleen at agad tumakbo papunta sa deriksyon namin or sabihin na lang nating sa likod namin.

"Ano? Rover? nandito sya?" tanong ko kay cris na nakatingin na pala kay Coleen at kay rover.

"Oo,pumasok na sya." sabi nya at bumalik na sa pagkaka tingin sakin.

"Buti naman." sabi ko at dumiretso na sa line namin.

"Attention students,please go to your assigned places so that we can now start the ceremony." sabi nung announcer.

Hinintay na lang namin na makumpleto na yung mga students.Oo we can't start the flag ceremony until the students are complete.That's the policy of our school or should I say the main policy.

Nagstart ng mag beat yung isang teacher tapos sabay sabay na kaming kumanta.After ma raise yung flag,pumunta sa harap si miss principal.

"And for the acknowledgement for our dear athletes,I'm here the one to acknowledge one of them and for the teams,I'll only call your group.It's a little bit hard for me to acknowledge each one of you...for the teams that did not make it to the next level,we still need to acknowledg them too,at least they did their best." sabi ni ma'am nang nakangiti.Tapos tinawag na nya yung mga athletes,hinintay ko na lang na tawagin yung pangalan ko.Si rover,cris at Coleen,ayun tinawag na.At sa wakas tinawag na rin yung akin tsaka rin yung ka teammate ko.

"For the girl's chess,individual,
may I call on Ms. Wenna Suzara.She's still the first placer and made it until the regional level." sabi ni ma'am at agad din naman akong pumunta sa harap.
Natapos din naman agad ang acknowledgement at lahat ng estudyante ng S.U. ay nagsipasok na.

The Game Between Lovers and Destiny (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon