Chapter 24: I know the answer

26 1 1
                                    

chapter 24:I know the answer.

SUMMER'S POV

Alam ko na yung sagot ko sakanya.Oo yung sagot ko.Ganto kasi yan,iniimagine ko kung pa'no na lang kapag nawala si cris sa tabi ko? parang di ko yata kaya.Parang puno yata ng lungkot,takot,at pag aalala yung puso ko kapag nangyari yun.
Inisip ko talaga yun ng ilang beses pero walang ibang mga emosyon yung pumapasok sakin eh,kundi yun lang talaga.Sa tingin ko nga mahal ko na sya eh.

Pumasok sya ng room nang pawis na pawis,ang init din kasi ng panahon.

"Cris?" tanong ko.

"Ano yun?"

"Yung tanong mo kanina,yung nasa kotse tayo,alam ko na yung sagot." sambit ko.

"Ano naman yung sagot mo?" ano bang problema nya at bakit ang tamlay nyang sumagot? walang gana atang makipag usap sakin eh.Aba! importante kaya itong sinasabi ko.

"Basta,you'll know it sooner or later." sabi ko na lang. Sasagutin ko sya within this week,and I'm sure of it.Hindi lang talaga ako sigurado kung anong araw.

Pumasok naman yung english professor namin.Si sir Kazuko.

"Good morning sir kazuko!" bati naming lahat.

"Sige,umupo na kayo." utos nya at lahat kami nabigla.
Nagkatinginan kaming lahat sa isa't isa.Kailan pa sya natutong magtagalog? I thought he doesn't understand filipino language.

"What's the matter? I said take your seat." sabi nya habang kaming lahat naman ay hindi man lang gumagalaw.

"Oh~I see,you were shocked to hear me speak in filipino language,right?"tanong nya at sabay sabay naman kaming tumango.Amazing ah! XD

"Well,nagpaturo kasi ako.
Nakakapagod din kasi eh,hindi ko maintindihan yung sinasabi nyo sakin."  sinenyasan nya naman kaming umupo na.Kaya umupo rin kami.

"Diba may ipe perform kayo ngayon? about dun sa mga traditional courtships here in the Philippines? di kasi ako nakapunta dito nung friday kaya hindi kayo nakaperform,so ngayon na lang."

"Did you bring your costumes?" dugtong pa niya.

"Yes sir,nung friday pa." sabi nila.
Hindi naman kasi ako nainformed eh,wala nga ako nung friday kasi may trauma ako remember? Walang hiya rin kasi yung taong yun eh! muntik na akong patayin! buti na lang at may nag save sakin.But...who's that mystery person who saved me? Hindi man lang ako nakapagpasalamat sakanya.Eh,
kasalanan nya na yun kung bakit sya umalis kaagad.

"Okay,let's now start." sabay alis nung table nya papuntang gilid para merong space para makapag perform kami.

Habang nagpeperform yung iba,
busy naman kami sa pagpa-practice sa mga lines namin.

"Cris,okay ka lang ba talaga? napansin ko kasing matamlay ka, kanina ka pang ganyan,eh." sabi ko at hinawakan sya sa braso nya.Something's wrong with him.

"Okay nga lang ako...sige na,tayo na yung susunod." sagot nya at nagpilit ngiti.Ano ba kasing mali sa'yo cris? may tinatago ka ba sakin?

"Okay,nice performance.Next,the group of Miss Suzara." sambit ni sir at agad naman kaming pumunta sa harapan.

After the performance...

"Rover! sama na kayo samin ni cris,sabay na tayong apat na mag-break!" sigaw ko habang nagkatinginan naman silang dalawa ni Coleen at nag agree naman sila.

The Game Between Lovers and Destiny (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon