Chapter 22: Trauma

23 3 0
                                    

chapter 22. trauma.


CRIS' POV


Agad ko syang dinala sa clinic dahil sa pagkahimatay nya.Bakas sakanya na may masamang nangyari talaga.Napansin ko nga rin na may hiwa sya sa kabilang braso,umaagos pa rin ang dugo mula dun.Habang binubuhat ko sya,may mga luhang unti unting tumutulo sa mga mata nya.



"Ate Lhea," tawag ko at agad rin namang lumapit yung nurse dito.
Ate Lhea ang tawag ko sa kanya dahil yun ang sabi nya nung napunta rin ako dito,tinawag ko pa nga syang miss nun eh.



"Anong nangyari kay Summer?bakit parang umiiyak pa sya?" tanong ni Ate Lhea habang napatingin lang ako sakanya. Hindi ko naman kasi alam kung anong nangyari,tsk!



"Di ko po alam eh,malalaman rin po natin yun kapag nagising na sya." sabi ko.



"Sige,ako ng bahala sakanya...
bumalik ka na sa klase mo." sabi nya habang may nilalagay kay wenna.Basta,di ko alam kung anong tawag nun eh.



"Sige po,babalik na lang po ako dito kapag nagising na sya." sabi ko.



"Okay." sabi nya tuluyan na akong umalis sa clinic.



Ano kaya ang totoong nangyari sakanya kanina sa women's comfort room? bakit parang takot na takot sya?



Nakapasok na ako sa room namin,nandito na rin yung history prof namin.Late na naman ako.Tss,wala akong pakialam.Mas uunahin ko si wenna.



"Good morning sir,sorry I'm late." walang gana kong sabi.



"It's okay,take your seat." sabi nya at nagpatuloy sa pagdi discuss nya.



"Uhmm,where's miss suzara?" tanong nya at lahat napatingin sakin.



"She's... she's at the clinic." sabi ko.



"Huh? anong nangyari sakanya?"



"Bakit nasa clinic sya?"


"Okay lang ba sya?" tanong ni rover at sabay namang napatingin ang lahat sakanya. Bakas kasi sa boses nya na nag aalala sya.



"Okay na sya ngayon,nahimatay kasi sya kaya ko sya dinala sa clinic." sabi ko.



"Hey,class! go back to your proper seat now!" sabi ni sir at bumalik naman sila agad sa mga upuan nila.Mga chismosa't chismoso talaga.Uhaw sa mga balita,tss!



"Mr. Herrera,what happened to her?" tanong ni sir.



"Hindi ko rin po alam sir,
malalaman lang po natin yung buong nangyari kapag nagising na sya." sagot ko.



"Okay,sana ay maayos na ang lagay ngayon ni miss suzara...let's continue our discussion now." sabi ni sir at ibinaling ang atensyon sa mga libro na nasa harapan nya ngayon.


SASSY'S POV



Hello po! unang pagkakataon ko po 'tong makapagpahayag ng side ko.Salamat kay miss author at binigyan nya ako ng chance para iexpress ang gusto kong sabihin. (A/N: You're welcome po,tita sassy)



The Game Between Lovers and Destiny (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon