Chapter 23:Back to normal

24 1 0
                                    

chapter 23: back to normal.

Rover's POV

Sabado ngayon,dadalawin ko si summer sa kanila.Hindi kasi sya nakapasok nung biyernes.Tsaka nasa trauma pa rin sya,kahit nga si tita sassy hindi nya pinapapasok sa kwarto nya.
Hindi ko naman sya masyadong dinadalaw kasi baka makahalata sya sa mga kilos ko na may nararamdaman rin ako para sakanya.Ayoko rin namang sirain yung plano namin ni Coleen,nag effort rin naman kami kahit papano tsaka gusto ko rin naman patunayan na may feelings pa rin si summer sakin.

"Oh,rover nasa taas si wenna." sabi ni manang Lucy.

"Hindi pa rin po ba sya nagpapapasok sa inyo sa kwarto nya?"

"Hindi pa rin eh,pag pumapasok kami dun,hinahagisan nya kami ng mga bagay na makikita nya dun."

"Ganun po ba...sige po,didiretso na lang ako sa kwarto nya."

"Sige,tawagin mo na lang kami kapag may kailangan ka."

"Sige po,maraming salamat po manang."

Umakyat na ako sa kwarto ni summer.As usual kapag nakakarating ako sa kwarto nya, hingal na hingal talaga ako.
Pano ba naman,nasa pinakatuktok yung kwarto nya.
Hanggang 5th floor kaya ito.Ewan ko ba kung bakit hindi na lang sila nagpagawa ng elevator para hindi na sila mapagod sa kaaakyat dito.

"Sum,kumusta ka na?" tanong ko nang mabuksan ko na yung kwarto nya.

"Sino ka?"

"Si rover 'to...papasok ako ah?"

Pagkapasok na pagkapasok ko,agad akong umupo sa gilid ng kama nya.

"H-hindi ka ba rapist?" nanginginig na tanong nya.
Napangiti na lang ako dahil sa sinabi nya.

"Hindi ako rapist,mag best friends kaya tayo,nakalimutan mo na ba?"

"Alam ko may rapist dito,gusto nya akong saktan, gusto nya akong patayin."

"Wala na sya sum,patay na sya."

"Ano yang dala mo?" tanong nya habang parang bata na tinuturo yung bouquet na binili ko kanina.

"Ah,gusto mo sayo nato?" tanong ko.

"Oo." sabi nya at tumatango tango pa,ang cute nya kapag ganito sya.

Binigay ko naman sakanya yung bouquet at napalaki naman ang mga mata nya O_O ano naman kayang problema nya?

"May problema ba?" tanong ko at hinawakan sya sa braso nya.

"Wahh!! thank you ah,carnatinon 'to eh,favorite flower ko 'to." sabi nya at niyakap ako ng sobrang higpit.Wala bang nakapagbigay sakanya ng carnatinon ngayong nasa trauma pa sya? Ang advise kasi ni ate Lhea na,bigyan daw namin sya ng mga bagay na makakapag pagaan ng loob nya.
Eh,carnatinon lang ang naisip ko eh.

"Tss,carnatinon lang pala makakapag pagaling sayo ah." sabi ko.

"Huh? pasensya na sa mga ginawa ko ah,di pa rin talaga kasi ako masyadong nakaka recover eh." sabi nya.Wow! so magaling na sya ngayon.

"So,ayos ka na ngayon?" tanong ko.

"Hindi ko alam,kasi pag nandito ka,feeling ko,ligtas ako." sabi nya at bigla namang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

"Ah...eh...uhmm,t-talaga?" aish! bakit nauutal pa ako?

"Hoy! anyare sayo? bakit namu mula ka?" tanong nya at tinuro yung mukha ko.

Ugh! nakakahiya naman,nasa harapan pa naman nya ako.

"Uh,k-kasi...naiihi ako? oo tama,
naiihi ako." sabi ko at pumunta sa cr na nasa loob lang ng kwarto nya.

The Game Between Lovers and Destiny (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon