Chapter 9: City Olympics

17 3 0
                                    




chapter 9:city olympics.




Summer's POV




Excited ako ngayon na may halong kaba.Excited kasi baka ako pa rin yung manalo at kaba kasi baka mag take advantage yung may atraso kay daddy ko.




"Anak,mauna na ako ha? tsaka wag mo na ulit takasan bodyguards mo.Ginagawa lang nila yung trabaho nila." sabi ni mama.Bakit ba kasi paulit ulit na lang nyang sinasabi yan? naintindihan ko naman eh. Kagabi pa kasi syang ganyan. Ganyan na talaga siguro kapag tumatanda na.




Tinakasan ko kasi sila kahapon eh,kainis kasi.Hindi kasi ako sanay na may nakabuntot sakin. Ayoko silang magmukhang aso. Ang gwapo pa naman sana nila.Ganito kasi ang nangyari kahapon.Basta,nakakatawa yung nangyari! Hindi ko tuloy mapigilan ang pagtawa kapag naalala ko yun.



FLASHBACK




"Tapos na training nyo?" tanong ni cris.




"Oo,uwi na tayo?" aya ko.




"Eh,paano mga bodyguards mo? diba sila yung hahatid sayo?"




"Eh,diba sabi mo rin na ikaw maghahatid sakin ngayon?" sabi ko sabay puppy eyes.Sana naman makuha ko sya sa pagpapa cute ko.




"Diba humindi ka naman kasi sabi mo nandyan mga bodyguards mo?" sabi nya habang nakakunot ang noo.Naningkit pa lalo yung mga mata nya.Ay,parang malabo ata syang pumayag eh.




"Oo pero binabawi ko na yun kaya lika na!" sabi ko sabay hila sakanya.Nagpahila naman sya pero nahirapan naman ako noh! Ang bigat nya kaya! Eh,ano namang sabi ng katawan ko?




"Pasaway ka talaga ano?" sabi nya habang tumatawa kaya napatawa na rin ako.




"Haha! matagal na." sabi ko.




"Uy,di mo ba sila lilingunin?" tanong nya.Kasi naman sinusundan nila kami eh. Tumatakbo kasi kami ngayon. Nakikipaghabulan kami sa mga bodyguards ko.Gusto ko silang takasan eh.




The Game Between Lovers and Destiny (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon