Chapter 28: Who is he?

27 1 0
                                    

chapter 28: who is he?

Summer's POV

Dalawang linggo na rin yung lumipas mula nung araw na sasagutin ko na sana si Cris. Dalawang linggo na rin syang hindi pumapasok,nami-miss ko na sya,dalawang linggo ko na syang hindi nakikita.Si Coleen din kasi eh,hindi na rin pumapasok.

"Iniisip mo na naman sya?" tanong ni rover at tumabi sakin dito sa garden.

"Sa totoo lang,oo eh.Miss ko na din kasi sya." sabi ko at napaiwas naman sya ng tingin.

"Halata namang nami miss mo sya eh." sabi nya.

"Eh alam mo naman pala,bakit mo pa tinatanong?" tanong ko.

"Namimiss ko na rin kasi si Coleen eh." walang emosyon nyang sabi.

"Well,pareho lang naman tayo."

"Rover,magsabi ka nga ng totoo, ano ba talaga kasi yung nangyari kay Cris nung araw na sasagutin ko na sana sya?" tanong ko at napa buntong hininga na lang sya.

"Hindi ko rin alam." Nagtaka naman ako sa sinabi nya,sya yung kasama ni Cris nang araw na yun tapos di nya alam? pa'no naman nangyari yun? panong di nya alam kung ano yung nangyari?

"Anong hindi mo alam,ikaw yung kasama nya nung araw na yun eh." sabi ko at hinawakan sya sa magkabilang balikat.

"Ganto kasi yan,nilibang ko nga sya nung araw na yun kaso bigla na lang sumakit yung dibdib nya at nanghina tapos inutusan nya akong tawagan si Coleen.Nang makarating na si Coleen,agad nyang isinama si Cris sa kanya, tapos di na sila bumalik."
sabi nya.

Sabi nya wala syang alam! meron naman pala!

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" pagalit kong tanong.

"Kasi ngayon mo lang din tinanong eh." sabi nya at inalis yung mga kamay ko sa balikat nya.

"Alam mo namang matagal ko ng gustong malaman yung nangyari eh...bakit di mo man lang sinabi?
best friend pa naman kita." sabi ko habang umiiyak.

"Yun nga eh,BEST FRIEND mo lang ako!" sigaw nya at iniwan akong nakatunganga dito.

Ano naman ngayon kung best friend ko lang sya? yun na nga eh,best friend ko sya tapos di nya sinabi sakin yung buong nangyari.Nakakainis lang.

Humiga na lang ulit ako dito sa damuhan at ipinikit ang mga mata ko.Bakit ang malas ko? Una,yung nabulgar yung sekreto ko tungkol kay rover,tapos ngayon naman,hindi sumipot yung lalaking mahal ko.Sana pala,sinagot ko na sya agad agad.

"Bakit ang malas ko?"

"Hindi ka naman malas eh,may mga bagay talaga na nangyayari dahil may dahilan,kahit di mo pa ito ginusto."

Hala! may nagsalita?! siguro hangin lang yun.

"Hindi,malas talaga ako,tsaka salamat pala ah? kinausap mo ako kahit di kita nakikita...
malamang,hangin ka lang eh."

"Hahaha!! hindi ka pa rin pala nagbabago,malakas pa rin ang imahinasyon mo,hindi ako hangin..tao ako."sabi nya habang tumatawa.Hindi na'to normal eh,
hindi daw sya hangin? matingnan nga.

O__O

Wahhhh!!!! ang gwapo!! no,loyal ako kay Cris.

"Sino ka naman?" tanong ko at tumayo na.

"Hindi mo na ako nakikilala? tss,
I can't believe it." sabi nya at napailing na lang. Hindi ko naman talaga sya kilala ah.

"I'm serious,sino ka ba?"

The Game Between Lovers and Destiny (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon