chapter 6: reveal.
Fast forward...
Dalawang buwan ang lumipas at
madaming nangyari at tsaka marami din akong nalaman. Nalaman ko na may gusto pala sakin si Cris.Hihi! nahiya pa nga sya eh pero hindi naman naapektuhan yung friendship namin.Sinabihan ko rin sya na wag nya akong masyadong mahalin kasi ayokong umasa at masaktan lang sya pero sabi nya mamahalin pa rin daw nya ako kahit hindi ko sya mahal,tss! tigas ng ulo noh?"Ate summer! pinapatawag ka ni coach." sabi nung kasama ko for city olympics.Chess player kasi ako.
"Sige,susunod lang ako." sabi ko at tumango lang sya.
"Bilisan mo oh.Ang panget kaya na yung coach nyo ang pinaghihintay." biglang sabi ni cris.Tsk! kahit kailan talaga oh! basta basta na lang syang susulpot.
"Eh,bakit ikaw nandito ka pa?wala ba kayong training for volleyball?" tanong ko.Player din kasi sya,nakapasa kasi sya sa try outs.Astig nga eh! mas gusto ko kasi yung mga volleyball players kesa sa basketball players,but it doesn't mean na gusto ko si Cris.
"Meron,pero mamayang hapon pa yun,at tska ikaw,kumain ka ng chocolates pag naglalaro ka ng chess para di mapagod utak mo.Kaya eto oh,dinalhan kita."
sabi nya sabay lahad nung chocolates.Aww.Sweet naman pero hanggang friends lang talaga ang maibibigay ko sa'yo eh.Sorry."Ah...thanks ah...sige una na ako."
sabi ko at kinuha na ang chess mat ko.Habang nasa corridor ako, nakasalubong ko si rover.Pawis na pawis,yung tipong binuhusan ng isang baldeng tubig e dahil sa sobrang basa.Magkasakit pa sya nyan,mahirap na.
"Saan ka papunta?" tanong nya sakin.
"Training." sagot ko.
"Sabay na tayo umuwi mamaya ah?" yaya nya.
"Okay pero baka matagalan ako kasi magpa-pamedical pa kami eh.Kayo,tapos na ba?"
"Oo,kanina lang."
"Okay,una na ako ha,tsaka magbihis ka na rin.Pawis na pawis ka oh!" sabi ko.
"Sige,ingat ka rin." sabi nya sabay talikod sakin.
Pagdating ko sa training room, naglaro lang kami.Palagi nga akong panalo eh.Kasi naman, reserved player ako,palagi akong nakakarating sa palaro kaya ayun kinasanayan ko na rin na palaging Gold medalist sa city olympics at pati na rin sa region.
"Ate summer,ang hirap nyo pong talunin.Magpatalo na lang po kaya kayo." sabi netong kapartner ko for girls chess.Haha ang cute nya! 2nd year kasi sya eh.Imagine,tinalo nya yung dati kong kapartner,so magaling din sya.
"Haha!! focus lang,alam kong magaling ka din.Sige,break muna tayo." sabi ko at pumunta kay coach.
"Oh,summer?" sabi nya.Babae po ang coach ko,baka isipin nyo po na lalake.
"Break muna coach." sabi ko.
"Ah sige,balik ka na lang dito mamaya for medical,okay?"
"Ah sige po." sabi ko sabay alis.
Habang naglalakad ako sa corridor,nagbubulungan yung mga estudyante tapos tumitingin sakin.Anong problema ng mga ito? ganun na ba ako kaganda?
"Talaga? may gusto sya kay rover,yung guitarist?"
BINABASA MO ANG
The Game Between Lovers and Destiny (On-going)
Teen FictionSi Wenna Summer Suzara ay isang masayahing babae. Vocalist ng band ng school nila.Tinatak nya sa isip nya na dapat hindi nya magustuhan ang best friend nya na si rover pero nabigo sya dahil nagkagusto sya dito for 5 long years.Ito ang biggest secret...