chapter 10: mafia.Coleen's POV
"Tulungan nyo kami! dali!" sabi ko habang umiiyak at nakahawak sa kamay ni rover.
Agad din namang lumapit yung mga nurse at yung doktor. Inihiga nila si rover dun sa kung ano man ang tawag dun.Basta! hindi ko alam kung ano yun kaya 'wag na kayong magtanong.
"Rover,please! magpakatatag ka please! wag mo kong ewan. Parang awa mo na rover!"
di ko na mapigilang humagulgol.Mahal na mahal ko sya kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi nya ako mamahalin at imposible na rin yun."Ma'am,dito na lang po kayo, kami na pong bahala sa kanya." sabi ng nurse.Naiwan naman ako dito sa labas. Umupo na lang ako. Nasa tapat ako ng ER ngayon. Sana makaligtas sya.
Kasalanan ito ng babaeng yun eh.Hindi ko maintindihan kung bakit nya ginawa yun.Bakit binuwis nya yung buhay nya para sa babaeng yun? sabagay best friend nya pala yun.Habang ako dito kung makapag react parang girlfriend nya eh kaibigan lang naman talaga yung turing nya sakin eh.Naging malapit kami sa isa't isa nung sinabi ni summer na layuan muna sya ni rover.Sinabi rin sakin ni rover na kaibigan lang daw yung maibibigay nya sakin. Tanggap ko rin naman yun eh pero kahit ganun gusto ko pa rin sya.Nababaliw na siguro tong puso ko.Minamahal ko yung taong hindi naman kayang suklian yung pagmamahal ko pero di pa rin ako susuko.
"Ate tulong!" sigaw ni cris.Oo nga pala nahimatay pala si summer kaso nauna lang kami ni rover dito kasi tumawag kami ng ambulansya,isasama nga sana namin si summer pero naiwan sila eh.Basta ganun!
"Bilis ate! tumawag ka ng doktor!" isa pa 'to,katulad ko rin. Nagpapakatanga sa taong di rin naman sya mahal.Tss.Kakambal ko nga sya.
"Oo,sandali lang." sabi ko.Agad akong lumapit sa isang nurse.
"Nurse,may pasyente po dun." sabi ko.
"Wait lang po ma'am,tatawagin ko lang po si doc." sabi nya sabay alis.Bumalik ako kena cris.
Nakita ko syang yakap yakap si summer tsaka yung mukha nya alalang alala talaga."Ano ate?" tanong nya.
"Maghintay ka lang,parating na sila." sabi ko at umupo sa gilid nya.
"Kumusta na si rover?" tanong nya.Napangiti naman ako.Lagi kasing mainit yung dugo nya kay rover eh.Karibal kasi ang turing nya kay rover.
"Ayun,nasa emergency room.
Kasalukuyang ginagamot."sabi ko at bigla na lang tumulo yung mga luha ko.Emosyonal talaga ako pagdating sakanya.Ewan ko ba,ang lakas rin kasi ng tama nya sakin eh."Okay lang yan ate.Ginawa lang nya yung dapat nyang gawin,ang tanga ko! sana di ko pinabayaan si summer." sabi nya habang umiiyak. Napakunot noo naman ako.Anong ginawa lang nya yung dapat nyang gawin?
"Anong ibig mong sabihin? anong ginawa lang ni rover yung dapat nyang gawin?" tanong ko. I'm just curious to know about everything.
"Ah,w-wala ate,kalimutan mo na yun." sabi nya.
"Ano nga-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng dumating yung doktor.
"Ano pong nangyari sa kanya?" tanong ng doktor na to na umepal sakin.
"Nahimatay po sya doc." sabi ni cris.
"Sige,kami na pong bahala sa kanya.Maghintay na lang po kayo." sabi ni doc.At dinala na nila si summer sa isang room.
Tinignan ko si cris pero umiwas lang sya at umupo. Palalampasin ko muna yan cris but next time na may nililihim ka pa sakin,I'll make sure na malalaman ko din yun.
BINABASA MO ANG
The Game Between Lovers and Destiny (On-going)
Teen FictionSi Wenna Summer Suzara ay isang masayahing babae. Vocalist ng band ng school nila.Tinatak nya sa isip nya na dapat hindi nya magustuhan ang best friend nya na si rover pero nabigo sya dahil nagkagusto sya dito for 5 long years.Ito ang biggest secret...