Chapter 8: Agreement

19 3 0
                                    


Summer's POV

Nakakainis! Para silang mga buntot ko,sunod ng sunod.

"Dito na lang kayo sa labas." sabi ko.

Hinatid kasi nila ako eh,kotse namin yung ginamit.Minsan ko nga lang to gamitin kasi nga sinusundo ako ni rover dati diba pero ngayon na sinabi kong layuan nya muna ako,siguro hindi na nya ako susunduin.

"Ma'am, di po pwede... mapapagalitan po kami ng daddy nyo." sabi nya.

"Eh anong gusto nyo? samahan ako hanggang sa loob ng classroom? parang sobra naman ata yun." sabi ko.

"Sasama po talaga kami sa loob...binarayan ho kami para pangalagaan kayo hindi po para pabayaan." sabi naman nung isa.
Dalawa kasi ang hinired nila na bodyguards for me.

"Okay,fine." sabi ko.

Habang naglalakad kami sa corridor,pinagtitinginan kami ng mga estudyante.Sino bang hindi mapapatingin? eh ngayon lang sila nakakita ng bodyguards na nakabuntot at nasa school.

"Dito na lang kayo sa labas ng classroom maghintay,okay?"

"Pero--"

"No buts okay,wala namang mananakit sakin sa loob ng room eh tsaka I'm sure na hindi sya makakapasok dito." sabi ko at iniwan sila.

"Sum? bakit may mga bodyguards ka?" tanong ni cris pero di ko sya pinansin at napatingin kay rover pero agad ko ring iniwas yung tingin ko. Sabihin pa nya na patay na patay talaga ako sakanya.

"Ah,ano nga ulit?" tanong ko kay cris.

"Bakit may bodyguards ka?"

"Ano kasi eh...kwento ko na lang sayo."sabi ko.

Ayun,kinwento ko kay cris yung mga sinabi sakin ni mama kagabi at kung bakit may mga bodyguards ako.

"Talaga? gusto mo,ako na lang ang hahatid sayo mamaya,kung okay lang sayo?" tanong nya.Kita ko sa mga mata nya na nag aalala sya,ganyan nya ba talaga ako kamahal?

"Wag na...nandyan naman mga bodyguards ko eh,kaya wag na."

"Mag ingat ka palagi ah." sabi nya habang nakatingin ng  diretso sa mga mata ko.

"Oo naman...mahal ko ang buhay ko noh." pagbibiro ko pero wala man lang reaksyon sa kanya,di man lang tumawa.

"Kung mahal mo ang buhay mo,mas mahal kita...kaya ingatan mo yang sarili mo...alam kong may pag asa pa ako kaya kailangan buhay ka pa." sabi nya.

I felt bad for myself...di ko deserve yang pagmamahal mo eh...di ko kayang suklian yan.

"Uhmm..."

"Okay lang." sabi nya.

Pumasok na si miss Lim at as usual binati namin sya at ganun din sya.

"Okay,take your seat."

Umupo na kaming lahat.

"I have a very important announcement for you guys...one of the students here is kailangang bantayan...wag nyo syang hahayaan na sya lang mag isa pumunta sa isang lugar dahil sa panahon ngayon... maaaring mawala ang buhay nya." pagkasabi nun ni ma'am, napatingin si cris sakin...parang may idea din sya kung sino yung tinutukoy ni ma'am.

"Sino po ba sya ma'am?" tanong ni Coleen.

"Well...it's confidential,only me and the principal know this...but each one of you should be careful,kung may makahalata man kung sino sya,please lang tumahimik na lang kayo." sabi ni ma'am. Bakit confidential yung information about me? paano nila ako mapoprotektahan?well,baka ayaw rin nila na may iba pang maka alam.

The Game Between Lovers and Destiny (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon