chapter 17.
Summer's POV
Magkayakap sila? bakit sila magkayakap? Kaya pala hindi sila pumasok kasi nandito lang sila at nagyayakapan pa?! Nababaliw na ba sila? Pa'no na lang kapag may ibang nakakita sa kanila?! Gawan pa sila ng kwento,at isa pa! kalat na naman to pag nagkataon.
"Ang sakit talaga Coleen eh,
bakit?" sabi ni rover habang umiiyak,wait nga lang,nalilito ako eh.Bakit ba sya umiiyak?"Wag kang mag alala rover,
mahal naman kita eh,narito lang ako parati para sa'yo,di kita iiwan." sabi ni Coleen at hinaplos ang likod ni rover.So,sila ba? sabi kasi ni coleen,hindi nya iiwan si rover eh.Ah~siguro iiwan ni Coleen si rover kaya umiiyak ngayon ang best friend ko.Pero parang may mali,gustong gusto kong lapitan ang best friend ko at hablutin si Coleen palayo sa kanya.Tsaka bakit ang sakit sa dibdib nung nakita kong magkayakap sila? Mag isip ka nga Summer! syempre,crush mo yang si rover eh kaya masasaktan ka talaga kapag nakita mong may kasama syang iba.
"Magiging ayos din ang lahat rover,ang mabuti pa pumasok na tayo,for sure! di tayo naka attend sa first class natin." sabi ni Coleen at kumalas na,tumango lang naman si rover.Agad din akong pumasok sa comfort room para di nila ako makita,at syempre! para makapag cr na din ako,kanina pa kaya ako naiihi.
Pagkatapos kong umihi,naghugas ako ng kamay.Tinignan ko yung sarili ko sa salamin.Panget ba ako? bakit mas pinili ni rover si Coleen kaysa sakin? Tsaka bakit di nila sinabi na sila na pala? tsaka muntik pa silang mag break kanina.Napansin kong may mainit na likido ang nahulog mula sa mga mata ko.
Am I crying? But why? Gusto pa lang kita rover pero nasasaktan na ako ng ganito,lalo na kaya pag minahal na kita.Good thing,
nandyan pa rin si cris para sakin.
Hindi naman sa ginagawa ko syang panakip butas,gusto ko na rin naman si cris eh,siguro 15% para kay rover at 10% naman para sakanya at ang natitirang 75% ay para sakin at sa pamilya ko.Oo,mas malaki pa rin yung percent na gusto ko si rover pero pwede rin namang magbago yun hanggang sa mawala na talaga yung feelings ko for him."Mawawala din yang feelings mo summer,mawawala din yan." sabi ko at pinahid ang mga luha ko.
Naglakad na ako sa corridor papuntang room namin.Parang di pa rin ako makarecover sa nangyari kanina.
Coleen's POV
"Coleen ang sakit eh! ang sakit! ngayong gusto ko na sya,may gusto naman syang iba!" sabi ni rover habang umiiyak at nakayakap sakin.Sino namang gusto neto?
"R-rover,sino bang gusto mo?" tanong ko kahit alam ko naman na masasaktan lang ako sa isasagot nya.
"Si summer." sabi nya.Ang sakit ah,straight to the point talaga sya eh,kahit alam nya naman na nandito ako, sinabi pa rin nya.
"Ang sakit talaga Coleen eh,
bakit?" sabi nya.Bago pa ako makapag salita,may napansin ako sa isang corner ng corridor,wait...anong ginagawa nya dito? S-si summer?"Wag kang mag alala rover,mahal naman kita eh,narito lang ako parati para sayo,di kita iiwan." sabi ko,medyo nilakasan ko nga ng konti yung boses ko para marinig talaga ni Sum.Ikaw ang dahilan kung bakit umiiyak ngayon ang lalaking mahal ko.Kaya sana,masaktan ka rin sa ginagawa ko. Nakita kong humakbang ng konti si Sum papalapit samin.
"Magiging ayos din ang lahat,ang mabuti pa pumasok na tayo,for sure! di tayo naka attend sa first class natin kanina." sabi ko at tumango lang sya.Para ngang nawala na sa sarili tong kasama ko,naktunganga na lang habang umiiyak.Kailan mo pa nagustuhan si summer? Huh,rover? Kung alam ko lang na may gusto ka sakanya,edi sana pinigilan ko yung kapatid ko na ligawan yung best friend mo.Kaya pala iba na yung mga kinikilos mo this past few days kasi pala nadiscover mo na yung feelings mo for her.Masakit din para sakin na malaman na may gusto ka pa lang iba,pero kung sasaya ka naman,hahayaan na lang kita,tutulungan kita rover,pero di rin agad ako maggi give up sayo.
BINABASA MO ANG
The Game Between Lovers and Destiny (On-going)
Teen FictionSi Wenna Summer Suzara ay isang masayahing babae. Vocalist ng band ng school nila.Tinatak nya sa isip nya na dapat hindi nya magustuhan ang best friend nya na si rover pero nabigo sya dahil nagkagusto sya dito for 5 long years.Ito ang biggest secret...