Chapter 7

139K 1.2K 45
                                    


Chapter 7: The Kiss by ACCIDENT [Part II] - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


Lance's POV


Nang makita ko si Nadine na tumatakbo papunta sa main gate ng school nila, agad akong pumasok sa kotse ko at sinalubong siya palabas. Mukhang nabigla siya sa pagdating ko, kasi nanlaki yung mga mata niya nang makita niya yung kotse. Well, kung tutuusin, it is pretty cool to have a sports car like this one, isn't it? 

Oo nga pala, muntikan ko nang makalimutan. Ako si Lance Santiago, seventeen years old and sophomore student sa St. Gabriel University. I've been studying there since pre-school to elementary, pero nag-transfer ako sa States during middle school. Tapos, bumalik ulit ako sa SGU during high school when my family went back to the Philippines. Only child ako kaya medyo na-spoil ako ng pamilya ko simula pagkabata. Okay, fine. SOBRA-SOBRA ang pagka-spoil sa akin ng pamilya ko. Kaya nga I'm used to getting things my way. Well, at least before I met her.

I rolled down the driver's side window. "Well, what are you standing around for? Bilisan mo!"

Nakita kong nag-eyeroll si Nadine, pero at least naman pumasok siya sa loob. I couldn't help but notice the way she continued to stare around the car.

"Amazed?" I grinned at her.

She rolled her eyes again and crossed her arms. Teka lang, habit ba niya yun? "Show-off."

Hindi ko mapigilang mapangiti ulit. Well, ang saya kayang pagtripan 'tong babaeng 'to. Ang bilis kasing mapikon e. Tsaka nakakatuwang makita ang mga reaksyon niya tuwing inaasar ko siya. Nakakatanggal ng pagka-bad trip at nakakabuo ng araw.

Napatingin ulit ako sa kanya at dun ko lang napansin ang suot niya. "Saan yung bahay mo?"

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Besides, bakit mo tinatanong?" Ang ingay naman ng babaeng 'to. There's no need to shout you know.

I couldn't help but snort. Napaka-oblivious naman! "Tingnan mo nga yang suot mo. You need to change."

Napatingin siya sa damit niya. Kahit ako napasulyap rin sa kanya. I have to admit, she did look cute in her uniform. Simple lang siya tingnan pero may dating pa rin kung tutuusin. Pero of course, hindi ko yun sasabihin sa kanya. "Anong problema mo sa suot ko? Uniform ko lang naman 'to a!"

I had fought the urge to slap my forehead in annoyance. Geez. So stubborn. Hindi niya ba naisipang baka may makahuli sa kanyang nag-ski-skip ng classes para gumala dahil suot niya pa yung uniform niya? Ayoko namang magkaroon siya ng complications sa school dahil lang sa pagpilit ko sa kanyang makipag-date. Alam ko naman kasing importante sa kanya ang pag-maintain ng magandang record sa school. Hindi naman sa kinailangan ko pang alamin yun sa iba no. It's obvious naman diba?

I gave her a pointed look. It's no use even if I explained it to her. She'll just argue with me hanggang magdamagan. So, I took the initiative. "Wag ka na ngang umangal. Just do what I tell you. Iiwan mo na rin yung mga gamit mo doon when we get there." Well, a little too bossy, pero it's for her own good rin naman e.

Sinamaan niya ako ng tingin. Hay naku. Does she really think that she could scare me with a look like that? Not frightening at all. Mas nakakatakot pa ngang tingnan ang mga babae kong kaklase na mukha nang clown dahil sa sobrang kapal ng make-up.

Pero at least, she told me the directions to her house. Napansin kong parang pamilyar yung dinadaanan naming street. "Malapit lang pala ang bahay mo sa bahay namin? Just across the street lang pala." I immediately thought of paying her an unexpected visit some time.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon