A/N: Para sa mga interesadong bumili ng published version ng MBBA, here is a preview of one of the main scenes in "Part I: Accidental Encounters".
“Mukhang may utang ka na naman sa akin,” sabi niya, may bahid ng pang-aasar ang tono ng kanyang boses. “Ni hindi pa nga ako nakakabawi sa’yo sa una mong ginawa sa akin. And yet suddenly, you owe me once again.”
Napasimangot naman ako.
“Sorry na dahil ginamit pa kita kanina para pagtakpan ang sitwasyon ko. Hindi ko na talaga kasi alam ang dapat kong gawin, kaya…ayan…” Pagdedepensa ko.
Bigla siyang lumapit sa akin, at nang aking iangat ang aking ulo ay roon ko lamang napagtanto na nakatayo na pala siya sa aking tapat, napakaliit ng distansyang nasa pagitan naming dalawa, lalong-lalo na sa aming mga mukha.
“Whether what you said and did earlier was intentional or accidental, that doesn’t mean that it changes the fact that you still owe me,” sumbat niya.
Agad na namula ang aking mukha at napatid pa ako sa apakang nasa likuran ko nang ako’y umatras. Swerte ko at nasalo niya ako bago pa ako matumba.
“Tsk, stalker at bingi na nga, klutz pa. Three-in-one,” pang-aasar niya sa akin habang inalalayan niya akong makatayo nang maayos.
Bumalik ang aking simangot.
“Hindi nga ako stalker at bingi, at mas lalong hindi ako isang klutz,” pagkokontra ko.
Ngumisi naman siya at tiningnan ako nang maigi.
“Sabihin na lang nating hindi ko narinig ‘yang sinabi mo,” tawa niya. “But anyways, like I said earlier, you still owe me.”
Bumuntong-hininga ako at nag-atubiling humarap sa kanya.
“Fine then. Anong gusto mong gawin ko?”
Napatingala siya nang ilang sandali, nag-iisip, at pagkaraan ay may namuong nakakalokong ngiti sa kanyang mukha.
“Madali lang naman,” tugon niya. “Just be a good girlfriend to me, and do whatever I tell you to do."
Agad na nanlaki ang aking mga mata at kunot-noo akong napatitig sa kanya, hindi sigurado kung tama nga ba talaga ang narinig ko.
“Teka…huwag mong sabihing…sineryoso mo ang mga pinagsasabi ko kanina?”
Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti.
“Paano kung sabihin kong oo?”
“You’re crazy!” Sabat ko, hindi talaga makapaniwala.
“At ako pa talaga ang crazy ngayon a?” Singhal niya. “Sino ba ang nagpakilala sa akin bilang boyfriend mo? Hindi ba’t ikaw rin naman?”
“Ugh. Hindi mo ba alam ang pinagkaiba ng sadya at aksidente? I was panicking at that time, okay? I never intended to say any of that in the first place!”
“E problema mo na ‘yan. Sadyang malas mo lang talaga kasi wala akong balak na patakasin ka na naman sa pagkakataong ito.”
Pumuwesto na naman siya sa aking tapat at inilapit ang kanyang mukha, hanggang sa naramdaman ko na ang kanyang paghinga sa gawi ng aking tenga.
“So whether you like it or not, you can’t change the fact that I am now officially your boyfriend,” bulong niya.
Muling namula ang aking mukha, at nang makita niya ang aking reaksyon ay agad siyang tumawa. Inasar niya muli ako, at kahit na gustung-gusto kong sumabat ay sadyang masyado pa akong tameme at hindi magawang magsalita. Hindi pa rin kasi lubos na maproseso ng aking sistema ang mga sunud-sunod na biglaang pangyayari, at tanging iisang kaisipan lamang ang umiikot sa aking utak no’ng mga sandaling iyon.
Starting today, Lance Jacob Santiago is officially MY BOYFRIEND BY ACCIDENT.
____________________________________________________________
My Boyfriend by ACCIDENT [Part I: Accidental Encounters] - Is now available in all bookstores nationwide, as well as on www.buqo.ph. Grab your copy now!
![](https://img.wattpad.com/cover/920061-288-k923647.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book I] - SPLIT INTO FOUR PARTS; PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS; ADAPTED INTO A WATTPAD PRESENTS: TV MOVIE [Summary] Naranasan mo na bang magkaroon ng isang relationship na aksidente lang nangyari? Yung tipong pinag...