Chapter 14

117K 1K 101
                                    


Chapter 14: Revelations - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


December 3, 2011


Nadine's POV


Napatingin ulit ako sa relo ko for what seemed like the hundredth time that day. 2:30 PM na. He's already thirty minutes late. Just where the heck is he?

I sighed and took a sip from my Iced Caramel Macchiato. Malapit na ring maubos ang inorder kong Chocolate Caramel Chip Cake. Ang tagal niya kasi dumating kaya umorder na lang agad ako habang naghihintay. 

I bet you guys are wondering kung sino yung hinihintay ko. Kung iniisip niyong si Austin, that's a definite NO.

Kasi ever since nung accident sa school, there was never a time na kaming dalawa lang ang nagkasama sa iisang kwarto. Madalas, nandiyan si Jasmine or si Andrew para samahan ako kapag walang practice. For safety reasons daw sabi nila. Kung may practice naman, todo-bantay si Nikki sa lahat ng mga cast ng play lalo na dahil less than two weeks na lang at day of performance na. At aaminin ko, ayoko munang makausap siya for now. In fact, I was even avoiding him as much as I possibly could. Kasi alam kong magiging main topic ng usapan namin ang nangyari noon sa clinic.


At kung si Lance naman ang hula niyo, mas lalo pa kayong mali.


It's been six days since yung huling pagkikita namin. Simula nun, hindi na nagkrus muli ang landas naming dalawa. Hindi na rin siya masyadong nagpapakita kela Jasmine, at minsan na lang sila magkasama ni Clark. Gusto ko nga sana siyang tawagan, or at least i-text man lang, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Alam kong iniiwasan niya ako. He probably hates me to the point of despising me.

So ngayon, the main question is: Who am I meeting today? Actually, nagulat nga ako nung bigla na naman siyang nagparamdam. Bigla-biglaan rin naman kasi ang pagkawala niya e. Almost a month na since he last contacted me. Bigla na lang siyang naglaho na parang multo. But he completely caught me by surprise when he suggested na magkita kami. As in face-to-face. Well, I guess you guys already know kung sino yun diba? Who else would do that other than him? Siyempre, si "Jacob" lang ang gagawa nun.

Napatingin ulit ako sa relo ko. It's already 2:45 PM! Saan na kaya nagpunta yun? Tama naman yung pinuntahan kong lugar a. Yung Starbucks Café na malapit sa SM Center Point. And he said to meet up at 2:00 PM pero he's already this late!

Pero bigla kong naisip, what if kung si Austin or si Lance yung totoong identity ni Jacob? I mean, sila lang naman yung mga pinakamalapit sa mga clues na binigay sa akin. Pareho silang seventeen. Nakikita ko naman sila pareho sa school kahit paminsan-minsan lang si Lance. Tsaka pareho rin naman silang tinatawag na Jacob ng mga kaibigan nila. At least, I think so. Pero parang more likely na si Austin si Jacob. Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Lance, parang imposible na gusto pa niyang makipagkita sa akin. Ayoko nang umasa masyado.

I decided na kung hindi pa talaga magpapakita si Jacob, kung sino man yun, by 3:00 PM, aalis na talaga ako. Ayoko namang maghintay nang sobrang matagal para lang sa isang taong hindi magpapakita. But that was when someone approached me. "Nadine."

Napatingin ako sa kanya. So siya nga talaga si Jacob. "Austin."

Pinilit ko ang sarili kong hindi magmukhang disappointed. Aaminin ko, I was really hoping na sana si Lance talaga si Jacob. Pero parang ang sama talaga ng tadhana sa akin.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon