Chapter 15

121K 1K 70
                                    


Chapter 15: The Dreaded School Play - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


December 15, 2011


"Ma'am Nadine, gising na po kayo." Narinig kong sabihin ng bago naming katulong na si Ate Nena.

Inangat ko nang onti ang ulo ko at inabot yung alarm clock na nakapatong sa bedside table. It's 6:30 AM. "Ate Nena, mamaya-maya na. Ang aga pa kaya."

"Pero Ma'am, may bisita po kayong naghihintay sa baba."

I looked at her through half-closed eyes. "Kung si Jasmine yan or si Andrew, sabihin mong nilalagnat ako kaya hindi ako makakapunta sa school. Kung ibang tao naman yan, sabihin mong bumalik na lang mamaya kapag gising na ako."

"Pero Ma'am—"

"Ano ba. Gaano katagal mo pa ba ako pahihintayin?"

Bigla akong napabangon nang marinig ko ang napakapamilyar na boses na yun. "Anong ginagawa mo dito?"

Lance gave me a pointed look and crossed his arms. Nakatayo siya sa harapan ng kama ko, at napansin kong lumabas na ng kwarto si Ate Nena. "Sinusundo ka. Pero parang pati paggising sa'yo gagawin ko na rin."

"Go away." Utos ko, sabay higa ulit sa kama. Pinatong ko yung unan sa ulo ko at nagbalot ulit sa kumot.

"A, ganyan pala." Naramdaman ko ang paglapit niya sa kama. "Hindi ka ba talaga babangon?"

I ignored him and tried to get some sleep. Pero bago ko pa man magawa yun, bigla niyang hinatak ang kumot ko at kinuha ang unan na nakapatong sa ulo ko. "Ano ba!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kumilos ka na nga. Ngayon yung play niyo diba? Bilisan mo at baka mapagalitan pa ako mamaya ni Jasmine kung ma-late ka."

Hindi ko mapigilang ma-impress kay Jasmine. Alam na alam niya talaga ang mga gagawin ko a. Kaya naman pala niya pinapunta dito si Lance para sunduin ako. Alam niya kasing hindi ako makakaangal. Damn. Hindi ko talaga naisipang masisita niya ako. Pero hindi ibig sabihin nun na magpapatalo ako. "Ayokong pumunta sa school ngayon. At mas lalong ayaw kong mag-perform sa play na yun."

Tiningnan ako nang maigi ni Lance. "At bakit naman? Wag mong sabihing may stage fright ka?"

"Excuse me? Wala akong stage fright for your information!"

"O, kaya naman pala e. Ba't ka pa nag-iinarte diyan?"

"Ayoko lang kasi!"

Nakita kong nawawalan na rin siya ng pasensya. "Bumangon ka na nga. Kung di ka pa kumilos diyan, dadalhin talaga kita sa school mo ng naka-pajama lang."

"Sino namang tinakot mo?"

"So gusto mo ngang gawin ko yun?"

"Subukan mo lang!"


And suddenly, he lifted me up from the bed.


"Ibaba mo ako!"

He grinned sheepishly at me. "O ano? Susunod ka na?"

Hinampas ko ang braso niya. "Ayoko ngang mag-perform sa play!"

"Bakit nga?"

"Basta!"

"Edi bahala ka sa buhay mo. Basta't dadalhin kita sa school mo kahit sa ayaw man o sa gusto mo." Nag-umpisa na siyang maglakad papunta sa pintuan.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon