Chapter 21: Confessions - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.
February 11, 2012
"Sa'n mo gustong sumakay?" Tanong ni Lance sa akin habang naglalakad papunta sa exit ng "Up, Up and Away", ang balloon ride sa Enchanted Kingdom.
Tumingin-tingin ako sa paligid ko at napaisip. Halos lahat na ng rides dito nasakyan na namin kanina kasama sina Andrew. Space Shuttle? Done. Roller Skater? Been there. Anchors Away? Finished.
Kinuha ko yung map na binigay sa amin kanina nung pagpasok namin sa entrance. While we're here, bibilhan ko na lang ng pasalubong si Charlie. A new toy for him would be good. And there's a gift shop that's not too far away. Hinila ko si Lance papunta sa direksyon nun.
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.
I slowed down my pace and looked at him. "Sa gift shop. I want to buy a treat for Charlie." Ngiti ko.
Tumango siya at nagpatuloy kami sa paglalakad.
As I have mentioned earlier, nandito kami ngayon sa Enchanted Kingdom. Special treat namin 'to ni Andrew sa mga kasamahan namin kasi it's our birthday. Kahapon yung kay Andrew, bukas naman yung sa akin. Kaya kesa naman hiwalay pa yung gastos namin sa panlilibre, we both decided to celebrate on the same day na lang. Sinama na rin namin sina Lance at Clark, kasi they're practically a part of our group.
Magkakasama kaming lahat for the rest of the day, pero nung mga around 5:00 PM, we each divided into three groups. Ang unang grupo ay binubuo nina Andrew, Vanessa, Eliza at Harvey. Sina Vincent, Angeles and Mary naman ang nasa ikalawang grupo. Obviously, ako, si Lance, si Jasmine at si Clark ang nasa huling grupo.
Kung nagtataka kayo, oo. Hindi namin kasama sina Jasmine at Clark ngayon. Bakit? Kasi nahiwalay sila sa amin habang palabas kami sa Jungle Log Jam kanina. Wait. Correction. HUMIWALAY sila sa amin. Hay naku. Yung dalawang lovebirds talaga na yun. Parang nga naman may sariling mundo. Bulag na sa paligid nila basta't magkasama.
Pero at least naman, I get to spend some alone time with Lance. We get a chance to bond more. In a way, blessing in disguise yung paghiwalay nila Jasmine sa amin.
Nung nakarating kami na kami ni Lance sa gift shop, agad akong dumiretso sa mga shelves na kung saan nakalagay yung mga stuffed toys.
"Oo nga pala. May bibilhin lang ako dun sa kabilang shelf. Magkita na lang tayo sa labas." Paalam ni Lance.
"Sige." Sabi ko habang tinitingnan ang mga stuffed toys na naka-display doon.
Agad siyang umalis.
After a few minutes, I decided to buy the huge stuffed toy na kamukha ng mascot ng Enchanted Kingdom. Yung wizard na si Eldar. Gustong-gusto kasi yun ni Charlie e. And he keeps insisting na bilhan ko siya ng toy na kamukha nun. Sigurado akong matutuwa ang pamangkin ko pagbigay ko sa kanya nito mamaya.
When I got out of the shop, wala pa rin dun si Lance. Mukhang hindi pa siya tapos sa pagbili. Kaya I decided to wait for him near one of the food stands.
Pero as I was walking, biglang may humarang na dalawang lalaki sa akin. Mga kasing-edad ko lang sila, if not older. At halatang mga playboy at flirt.
"Girl, mag-isa ka lang ba?" Tanong ng isa, naka-grin.
"If you want, we can accompany you. Sa'n mo gustong pumunta?" Tanong naman nung kasama niya, sabay akbay sa akin.
I shoved his hand away and stepped back. "Sorry, pero may kasama nga ako. At kahit mag-isa nga talaga ako, hindi ako interesadong sumama sa dalawang gung-gong na katulad ninyo."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book I] - SPLIT INTO FOUR PARTS; PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS; ADAPTED INTO A WATTPAD PRESENTS: TV MOVIE [Summary] Naranasan mo na bang magkaroon ng isang relationship na aksidente lang nangyari? Yung tipong pinag...