Chapter 20: The Appearance of a New Enemy - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.
January 4, 2012
Nadine's POV
Pumunta ka sa Club Lexis.
After almost two weeks of separation, 'yan ang pinakaunang text message na na-receive ko galing kay Lance.
"Wow, what a nice welcome." I grumbled under my breath. Kararating ko pa lang from the airport about five minutes ago. Kasama ko sina Kuya Drew, Ate Paula and Charlie on our flight home from America. Ate and Charlie already went to their room the moment we arrived. Nakatulog na kasi ang napaka-cute kong pamangkin. Si Kuya naman, nasa labas along with Ate Margie and Ate Nena, unloading our luggage from the car.
Hay naku. Gusto ko pa naman sanang matulog agad pagkadating namin. It's almost 7:00 PM, and I'm really tired and sleepy from the ride. Okay lang sana kung binati man lang ako ng napakabait kong boyfriend ng "Welcome back!" or "You've finally returned!". Kahit simpleng "I missed you!" o "I've been waiting for you!" okay na rin e. But no. 'Yong pinakaunang bati na nakuha ko sa kanya ay isang utos pa.
I sighed and wrote a reply.
Ano bang sobrang importante na kailangan ko talagang pumunta diyan?
Barely thirty seconds have passed before I received a reply from him.
Basta. Pumunta ka na lang kasi.
Geez. A little consideration would be appreciated!
Ayoko nga. I'm too tired to come. I'll go there next time.
Pumunta ka dito kung 'di susugurin kita diyan!
Sinong tinakot mo?
'Pag hindi ka dumating dito in 10 minutes, pupunta na talaga ako riyan!
Damn. Ano ba kasing nandoon sa club na 'yon at kailangan ko talagang pumunta? Geez. Double sigh.
Lumabas ako sa bahay at pinuntahan si Kuya. Buti naman at tapos na silang maglabas ng mga bagahe namin. Agad na ipinasok 'yon nina Ate Margie at Ate Nena sa loob.
"Kuya, pwede pahatid?" Pakiusap ko sa kanya pagkatapos niyang isara 'yong trunk ng kotse.
Napatingin siya sa akin. "Saan ka naman maglalakwatsa? Akala ko ba matutulog ka pagdating natin?"
I scratched my head in annoyance. "Nang-aaya si Lance ng gimik e. Tsaka hindi naman ako ganun kaantok. Pwede bang ihatid mo ako sa Club Lexis? Malapit-lapit lang naman 'yon dito. Doon banda sa SM Centerpoint."
Kuya sighed and gave me an exasperated look. "Sige na nga. Kailangan pa ba kitang sunduin doon mamaya?"
"Hindi na. Ihahatid naman ako ni Lance mamaya. Thank you Kuya!" ngiti ko. Tumango na lang siya at pumunta sa driver's side ng kotse. Bumalik ako sa loob ng bahay para kunin 'yong purse ko at agad na sumunod sa kanya.
My family and I always spend our Christmas holidays and New Year celebrations with our other relatives in America. 'Yon lang kasi 'yong only time na nagkakasama ang halos lahat ng mga miyembro ng Gonzalez family. So siyempre naman, sinisiguro naming makakapunta kami. Nauna na lang kami nina Kuya Drew sa pag-uwi kasi meron pang inasikaso sina Mom at Dad para sa companies nila. Pero mga next month pa ata sila makakauwi rito sa Pilipinas dahil meron pa silang aayusin sa mga branch sa ibang bansa.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book I] - SPLIT INTO FOUR PARTS; PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS; ADAPTED INTO A WATTPAD PRESENTS: TV MOVIE [Summary] Naranasan mo na bang magkaroon ng isang relationship na aksidente lang nangyari? Yung tipong pinag...