Chapter 26: Goodbyes - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.
March 7, 2012
Lance's POV
"Nandito ka na pala. Did you wait long?" Bati ko kay Nadine pagdating ko sa park malapit sa school nila that Wednesday afternoon.
She gave a slight smile nang makita niya ako. Nakaupo siya sa isa sa mga benches doon, yung bag niya nakasandig sa gilid. Sinarado niya yung hawak-hawak niyang diary at nilagay yun sa side. Lumapit ako sa kanya at nilapatan siya ng halik sa pisngi.
"Kakarating ko palang just a few minutes ago." Sagot niya.
Tumango ako at umupo sa tabi niya. I placed an arm around her and held her close.
Nag-umpisa nang pumasok ulit si Nadine sa school niya since last week. Mukhang almost complete na rin naman kasi ang recovery niya. Sabi kasi ng therapist niyang si Mrs. Torres, it's better na bumalik na siya sa daily life niya para mas mapadali ang pagkawala ng trauma niya. At sa tingin ko rin naman, mas mabuti ngang gawin yun ni Nadine kesa nasa bahay lang siya buong araw. Tsaka somehow, in a way, nanunumbalik na rin ang dating siya. She may not be as cheerful and high-spirited as she was before, pero at least, little by little, she's becoming more and more of herself with each passing day.
"Lance." Biglang tawag niya.
Napatingin ako sa kanya. Her head was down, her hands shaking. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon sa mukha niya. It's as though naguguluhan siya. As though hindi niya alam kung anong gagawin niya. As though a great burden is being plunged down on her shoulders.
"May problema ba?" Tanong ko, alalang-alala.
Napailing siya at lumayo sa akin.
"Nadine, is there something wrong? Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko ulit, sabay lapit sa kanya. I placed a hand on her shoulder, pero she forcefully shook it away.
Tumingin na rin siya sa akin. But the look that she gave me was full of remorse. Full of regret. Full of guilt. "Lance, pwede bang itigil na natin 'to?"
Naguluhan ako sa sinabi niya. "Itigil? Itigil ang ano?"
Iniwasan niya ang tingin ko. "Ang pagiging tayo. Itigil na natin ang relationship na 'to."
I couldn't help but stare at her with utmost surprise. "At bakit naman? Nadine, alam kong maraming nangyaring masama these past few weeks pero kaya naman natin silang lagpasan diba? Bakit ngayon ka pa susuko?"
Hinawakan ko ang mga balikat niya at pinilit siyang tumingin sa akin. Pero nagmatigas pa rin siya at hindi man lang ako tiningnan.
"Nadine, meron ba akong nagawang kasalanan sa'yo? Galit ka ba sa akin? Kung ganun, sabihin mo na sa akin kung anong nagawa ko. Kahit ano gagawin ko basta't patawarin mo lang ako. Alam mo namang mahal na mahal kita." Pagmamakaawa ko.
Tiningnan na rin niya ako sa wakas. Pero agad na bumigat ang dibdib ko nang masilayan ko ang ekspresyon sa mukha niya. Merong mga luhang namumuo sa mga mata niya. She looked so agonized. So miserable. So wretched. "Yun nga kasi Lance." Sabi niya, lumuluha na. "Nasasakal na ako sa pagmamahal mo. Hindi ko na talaga kaya. Hindi na kaya ng puso ko. Hindi na kaya ng konsensya ko. Kasi kahit anong pilit ko, hindi ko masusuklian kailanman ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Dahil sa totoo lang, hindi kita minahal kahit minsan."
Hindi ko mapigilang mapatulala sa kanya. Hindi. Nagsisinungaling siya diba? Hindi naman totoo ang mga sinabi niya diba? She's lying. She has to be.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book I] - SPLIT INTO FOUR PARTS; PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS; ADAPTED INTO A WATTPAD PRESENTS: TV MOVIE [Summary] Naranasan mo na bang magkaroon ng isang relationship na aksidente lang nangyari? Yung tipong pinag...