Chapter 44: Life at Risk - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.
August 1, 2020
Nadine's POV
"So, kumusta na kayong mga future mommies?" Ngiti ni Kate sa amin ni Jasmine, sabay upo sa bakanteng upuan na nasa tapat namin nung hapong iyon. She had an expectant expression on her face, and she was looking at the two of us with utmost elation.
Nagtinginan kami ni Jasmine saglit, at agad na napatawa pagkatapos.
"Well eto, completely happy and spoiled." Grin ng best friend ko, sabay kindat sa direksyon ko.
Napa-grin na rin ako.
"Same." Sabi ko, sabay tawa ulit.
Napatawa na rin si Kate pagkatapos nun. But after a while, she crossed her arms and sighed.
"Hay. Buti pa kayong dalawa, magiging mga mommy na. Samantalang ako na nga 'tong matagal nang gustong magkapamilya, wala pa ring asawa." Sabi niya.
I playfully stuck my tongue out at her in response.
"Wala pang asawa." Pagtatama ko.
"Pero magkakaasawa na." Dagdag pa ni Jasmine.
Agad namang namula ang mukha ng pinsan ko, at mas lalo lang kaming natawa ni Jasmine.
In a month's time kasi, ikakasal na sina Kate and Alex. Actually, last week lang nga nag-propose ng kasal si Alex, and after almost a two-year relationship, they're finally getting married. And of course, everyone is all so happy for them.
At eto namang si Jasmine, almost four months pregnant na. Six months after ng wedding namin ni Lance, sina Clark at Jasmine naman yung ikinasal. And immediately after that, my best friend got pregnant. Naunahan pa nga nila kami ni Lance e. Pero at least, same year pa rin namin iluluwal ang mga baby namin. Almost a month pregnant na kasi ako kaya yun yung most likely na mangyayari. Tsaka sa tingin ko naman, susunod na rin si Kate sa amin after some time.
"O, eto na yung mga inorder niyo." Bigla namang dating ni Vanessa sa table namin, sabay lapag ng iba't ibang klase ng mga desserts at drinks sa harapan namin. Strawberry cheesecake and milk tea for me, ice cream parfait for Jasmine, and brownies and creamy latte for Kate.
"Thanks Vanessa!" Sabay-sabay naming sinabi.
She grinned at us and winked.
"Anytime. Feel free to call me if you guys need anything else." Sabi niya.
Tumango kaming tatlo at nag-umpisang kumain. Vanessa transferred to another table afterwards, taking some orders from a couple who were seated just across from us.
Oo nga pala, nandito kaming tatlo ngayon sa café na pinagmamay-ari ni Vanessa. Eto na kasi ang naging regular na pinagtatambayan namin tuwing breaks and other free times. At sa tingin ko, mas mapapadalas pa ang pagtambay namin dito, lalo na kami ni Jasmine. Pareho kasi kaming on leave sa mga trabaho namin e. And besides, welcome na welcome na rin naman kami dito. Kami kaya yung ilan sa mga pinakaunang regular costumers sa café na 'to. Mga about a year ago lang kasi simula nung nag-open ito for business, pero naging instant hit na ito sa mga costumers. Well, expected na rin yun kay Vanessa. Ang galing kaya niyang magluto!
We lingered for about another half hour in the café, chatting idly and finishing our desserts. Pero mamaya-maya, we finally decided to leave and bid goodbye to Vanessa before going out.
"Teka, why don't we shop for some new clothes for you, Nadine? After all, sigurado namang kakailanganin mo rin ng bagong wardrobe for the next nine months." Grin sa akin ni Kate.
"Oo nga. Sa tingin ko naman, kukulangin rin yung mga binigay nung modeling agency mo sa'yo since there are still a lot of months to come." Dagdag pa ni Jasmine.
I thought of what they suggested and shrugged my shoulders afterwards.
"Kung tutuusin, tama rin naman kayo." Sang-ayon ko. I looked at the two of them and grinned. "Well, off to the mall then!" Sabi ko.
Tumango yung dalawa at agad kaming dumiretso papunta sa parking lot, na kung saan nakaparada ang kotse ni Kate. We got inside and settled ourselves, ako sa passenger side, si Kate sa driver's side, at si Jasmine naman sa backseat. Kate immediately turned on the engine and drove off after that.
Pagkalipas ng ilang minuto ng biyahe, and after paying for the parking fee, nakahanap na rin ng mapupwestuhan si Kate at pinatay niya ang engine ng kotse pagkatapos. Naunang bumaba si Jasmine, at agad naman akong sumunod.
But just as I was about to take a step outside of the car, I suddenly felt a dizzying sensation in my head and swooned. Ang huling narinig ko ay ang pagsigaw ni Kate, at nasulyapan ko ang isang nagmamadaling Jasmine, na tumatakbo para saluin ako.
And afterwards, I collapsed and fell unconscious.
Nang magising ako, I found myself lying on a hospital bed, an IV plugged on my wrist and an oxygen mask strapped over my nose and mouth. Kate and Jasmine were on my side, looks of outright worry evident on their faces.
"Anong nangyari?" Ang agad na tanong ko, my voice hoarse.
Nag-umpisang lumuha si Jasmine, na pilit namang pinapakalma ng halos maiiyak na ring si Kate. Agad naman akong naguluhan sa mga naging reaksyon nila. Bakit ba sila nagkakaganyan?
At nasagot ang tanong ko nang pumasok ang pinsan kong doctor na si Ate Kristine, na siyang naging family doctor na namin.
"Ate Tin, may problema ba?" Tanong ko sa kanya, may namumuong kaba sa dibdib ko.
Tahimik lang siya nung una, nakatayo sa harapan ko at tinitingnan ako nang maigi, as though assessing me. But after a while, she gave me solemn expression and lightly patted me on the shoulder, looking at me straight in the eye. I noticed that her voice was shaking when she finally spoke, and a feeling of dread immediately enveloped me when I heard her answer.
"Nadine, I regret to inform you, but it seems as though we're having a predicament. A predicament so great that your life may be at risk."
A/N: Photo used is not mine. Credits to the owner/s.
![](https://img.wattpad.com/cover/920061-288-k923647.jpg)
BINABASA MO ANG
My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book I] - SPLIT INTO FOUR PARTS; PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS; ADAPTED INTO A WATTPAD PRESENTS: TV MOVIE [Summary] Naranasan mo na bang magkaroon ng isang relationship na aksidente lang nangyari? Yung tipong pinag...