Chapter 24

101K 727 40
                                    


Chapter 24: Resolve - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.


February 18, 2012


"Kamusta na siya?" Tanong ni Jasmine sa akin via phonecall nung araw na yun. Maingay-ingay sa linya niya, mukhang malapit nang mag-dismissal sa school nila.

Napatingin ako kay Nadine. Nakahiga siya sa kama niya, natutulog. Ang putla-putla niya, merong mga dark circles sa ilalim ng mata niya at mas lalo pa siyang pumayat. Halatang hindi siya nakakatulog at nakakakain nang maayos.

I placed a hand on her cheek and sighed. "Still the same. Kakatulog palang niya kani-kanina. Mukhang nagkaroon na naman siya ng nightmare kagabi kaya hindi siya nakatulog nang maayos. Pinainom na lang siya ni Ate Paula ng sleeping pills para makapagpahinga na siya. But she still refuses to eat kahit pilitin mo pa siya."

Nag-sigh na rin si Jasmine. "Sige, pupunta kami diyan nina Andrew mamaya-maya. Hinihintay na lang naming mag-bell para makaalis na kami."

"Sige."

She made her excuses and ended the call.

Binalik ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Then my gaze shifted back to Nadine. Uneven yung paghinga niya. She had a sulken expression on her face. Suddenly, a sob broke out of her, and a teardrop fell from her eye.

Hanggang ngayon, she still blames herself for her parents' deaths. Kahit hindi naman talaga niya kasalanan yung nangyari, she feels that she's the one responsible. And she's punishing herself because of that.

It's been five days since Tito David and Tita Clare's burial. Isang araw lang kasi silang pinagluksaan ng mga malalapit na kaibigan at kamag-anak nila. Nilibing sila agad the next day. Hindi kasi makayanan ng mga mahal nila sa buhay yung nangyari. Halos lahat ng mga tao doon sa libing hindi matanggap ang pagkawala nila. Pero the one who was most affected was Nadine.

Hindi na siya pumasok sa school since then. She was in no condition in the first place. Lagi na lang siyang nakakulong dito sa kwarto niya, moping, grieving. Araw-araw namin siyang binibisita nina Jasmine after class, to check on her condition. Pero kahit anong kumbinsi namin sa kanya, hindi pa rin nagbabago ang pananaw niya.


Kasi para sa kanya, siya ang dahilan kung bakit namatay ang parents niya.


Kahit sina Kuya Drew at Ate Paula hindi kayang baguhin ang isip niya. Ilang beses na nga rin niyang inattempt na mag-suicide. Mag-overdose, maglaslas, kahit gutumin ang sarili niya. Kaya nga laging may nakabantay sa kanya para siguraduhing walang mangyaring masama sa kanya. Araw-araw meron ring bumibisitang therapist para kausapin siya. Pero kahit anong method yung gamitin, wala pa ring pagbabagong nangyayari.

Buti nga at napapayag na rin namin siyang kumain kahit konti-konti lang. Kinakausap niya na rin kami kahit papaano. Pero there's still emptiness in her eyes. Hindi pa rin siya nakakapag-let go. Nagluluksa pa rin siya.

Biglang may kumatok sa pintuan. Agad na lumitaw yung katulong nina Nadine na si Ate Nena. "Sir Lance, aalis po kayo diba? Sige po, ako na muna yung magbabantay kay Ma'am Nadine habang wala pa sila Ma'am Jasmine."

Tumango ako. Dahan-dahan kong itinanggal ang kamay ni Nadine sa kamay ko. Hawak-hawak niya kasi yun bago siya matulog. Sinukbit ko yung backpack ko na nakasandig sa bedside table ni Nadine at naglakad papunta sa pintuan.

"Aalis ka na?" Narinig kong may magtanong sa likuran ko.

Hindi ko namalayang gising na pala si Nadine. Nakaupo siya sa kama niya, rubbing her eyes. Panicked yung expression sa mukha niya.

My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon