Chapter 11: Stirred Feelings - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.
"Okay, so practice starts tomorrow. Lahat ng members ng cast dapat i-memorize niyo na ang lahat ng mga lines niyo by this week. Also, don't forget to bring your scripts tomorrow. We'll be practicing for the whole day starting tomorrow until the day before the fair." Announce ni Nikki nung nag-ring na yung bell for dismissal.
All of us in the group nodded and went back to our seats para mag-ayos ng mga gamit namin. Nag-umpisa na ring magbigay ng kani-kanilang announcements ang bawat leader ng committee para sa school play.
Sigh. For three whole weeks, puro preparations para sa school play lang ang aatupagin naming lahat. Sa January pa kasi yung Third Quarterly Exams namin kaya inuuna na lang ng mga teachers yung pagbigay ng mga projects at Performance Tasks para wala nang kailangang pag-abalahan pa ang mga estudyante during the Christmas vacation. Well, for sure naman kasi, konti lang yung gagawa ng mga projects nila kung after vacation days pa yung passing. I mean, sino namang gustong gumawa ng project habang may bakasyon? Nagbakasyon ka pa kung yun lang naman pala ang gagawin mo. What's the point in that, right?
Nag-umpisa nang magsilabasan ang mga kaklase ko. Yung iba, nagmamadali pang bumaba sa canteen para makabili ng pagkain. Marami kasing hindi nag-lunch ngayon dahil sa sobrang abala sa pagpaplano. Tapos nakulangan pa ng time since half-day lang ngayon.
Pero when I was looking around in the room, nakita kong naka-gather pa rin yung lahat ng mga members ng costume committee. Mukhang hindi pa rin sila tapos sa pagpaplano. Lahat sila mukhang abalang-abala pa sa mga ginagawa nila. Parang hindi ata nila narinig yung bell.
"Jas, hintayin na lang kita sa labas ha." Saad ko nung tapos na akong mag-ayos ng gamit.
Lumingon siya sa aking gawi. "Mauna ka na Nadine. Kailangan ko talaga kasing tapusin yung sketch na 'to ngayon e."
"A, sige. See you tomorrow na lang."
Tumango na lang siya. Ano ba yan. Mukhang magiging sobrang busy si Jasmine these next few weeks. Pati rin si Andrew meron pang gagawin para sa special effects committee. Yung iba naman naming kasamahan sa ibang section, nagsipag-uwian na. Sigh again. Wala tuloy akong kasabay umuwi. Tapos wala rin naman akong magagawa sa bahay ngayon. At tinatamad pa akong mag-memorize ng mga lines ko. Damn. Wala akong magawa ngayon! And I am so BORED!
Pero that was when my cellphone suddenly vibrated.
Punta ka ng Megamall.
From:
Lance Santiago
+63906*******
Anong ginagawa ng gung-gong na yun sa Megamall? Hindi ba't may pasok yun?
Palabas na ako ng gate ng school nang may biglang tumigil na kotse sa harapan ko. The driver side window rolled down. "Anong tinatayo-tayo mo pa diyan? Get in. Pupunta pa tayo ng Megamall."
I stared at him, dumbfounded. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.
"Hoy, ba't nakatunganga ka pa sa akin? Don't tell me hindi ka pa rin sanay sa kagwapuhan ko?" He teased.
Doon na lang ako natauhan. "Anong ginagawa mo dito?"
Tiningnan niya ako na parang napaka-obvious ng sagot. "Sinusundo ka, obviously. Hindi mo pa ba yun nahahalata?"
I couldn't help but roll my eyes. "What I mean to say is, hindi ba't may pasok ka ngayon? Anong ginagawa mo dito sa harap ng gate ng school ko? Don't tell me you're ditching again?"
BINABASA MO ANG
My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book I] - SPLIT INTO FOUR PARTS; PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS; ADAPTED INTO A WATTPAD PRESENTS: TV MOVIE [Summary] Naranasan mo na bang magkaroon ng isang relationship na aksidente lang nangyari? Yung tipong pinag...