Chapter 42: Eternal Vow - Original Version. Wattpad Version. Unrevised. Unedited.
June 16, 2019
Lance's POV
"Naks naman. Blooming yung groom o." Ang agad na asar sa akin ni Clark pagkalabas ko ng kotse ko nung umagang yun.
"Kita mo? Ngiting-ngiti talaga e!" Dagdag naman ni Alex.
"Halatang excited talaga no?" Singit pa ni Ralph.
Hindi ko mapigilang mag-grin nang marinig ko ang mga pahayag ng tatlo. Agad ko naman silang binatukan at tumawa.
"Siyempre naman magiging ganito ako. Kahit sino naman magiging excited kung nasa posisyon ko sila diba?" Sabi ko.
Lumaki lang lalo ang mga ngiti ng mga kumag.
"Asus. Kung tutuusin kasi, tuwang-tuwa ka lang talaga dahil ikakasal na rin kayo sa wakas ni Nadine." Tawa ni Alex.
"Di bale, pitong taon rin naman silang nagkahiwalay e. Siyempre naman gusto nilang magbawian sa isa't isa no." Grin ni Clark.
"Tsaka akalain mo yan a. Isang buwan lang plinano ang lahat-lahat pero mukhang magiging Wedding of the Century pa rin 'tong kasal niyo." Sabi naman ni Ralph, sabay tingin sa mga reporters at cameramen na nag-uumpisa nang magkumpulan sa entrance ng simbahan.
Nagsipagdatingan na rin ang mga bisita at mga malalapit na mga kaibigan at kamag-anak namin ni Nadine. Mukhang punung-puno na nga ang simbahan sa dami ng taong dumalo. Nandoon yung mga kabarkada nina Nadine, pati na rin ang ilan sa mga dating kaklase nila. Kahit nga sina Austin at Andrea, na hindi ko aakalaing sisipot, dumating rin. Sinalubong rin ako ng pinsan kong si Naomi, kasama ng asawa niya at anak nilang si Margaux, na mag-iisang taong gulang na ngayong taon. Dumating na rin sina Mom at Dad, na umuwi pa galing ng America para lang sa espesyal na araw na ito. Sinalubong rin ako ng nakatatandang kapatid ni Nadine na si Drew, pati na rin ng pamilya niya.
Agad na may namuong pananabik sa dibdib ko. Malapit na. Ilang minuto na lang. Sandali na lang at dadating na rin ang babaeng pinakamamahal ko. Sandali na lang at makakasama ko na rin siya. Sandali na lang at mag-iisang dibdib na kami at ipoproklama sa ngalan ng Diyos bilang mag-asawa.
At pagkalipas ng ilang minuto ng paghihintay, dumating na rin sa wakas si Nadine, kasama ang maid of honor niyang si Jasmine, at ang mga bridesmaids niyang sina Kate, Camille at Vanessa. Agad na nagsipuntahan ang lahat-lahat sa kani-kanilang mga pwesto, at nag-umpisa na rin sa wakas ang seremonya.
Kasama ko si Clark, na siyang pinili kong best man, at si Fr. Pascual, ang aming Celebrant, sa may altar. Nagsimula nang magtugtog ang mga ceremony musicians, at pinangunahan ng mga groomsmen at bridesmaids (Andrew at Vanessa, Ralph at Camille, Alex at Kate) ang Wedding March. Sinundan naman sila ni Jasmine, at maya-maya'y ng pamangkin ko na si James (ring bearer) at ng pamangkin ni Nadine na si Angie (flower girl). And last but definitely not the least, sumunod na rin ang babaeng kinahihintay ko.
Nakahawak sa braso ng Tito Leo niya, nakangiti at tila masasabi kong ang pinakamagandang babae sa buong mundo, nasilayan ko na rin sa wakas ang nag-iisang babaeng iniibig ko at mamahalin ko habambuhay.
"Nadine." Ang agad na salubong ko sa kanya nang ihatid na siya ng tito niya sa altar, at agad kong hinawakan ang kamay niya.
Ngumiti siya sa akin, at sa sobrang pananabik ko ay kinailangan ko pang pigilan ang sarili kong yakapin at halikan siya ng mga sandaling iyon. Tumayo siya sa tabi ko, at sabay kaming humarap sa altar, sa pari, sa Diyos.
Punung-puno talaga ng pagmamahal at kasiyahan ang puso ko, at tila pakiramdam kong ako na ang pinakaswerteng lalaki sa buong mundo. Hindi ko nga masyadong napagtuunan ng pansin ang buong seremonya, kasi ang tanging kaisipang namalagi sa utak ko nung mga oras na iyon ay ang katotohanang sa ilang sandali na lamang ay mangangako na kami ni Nadine sa harap ng lahat at sa harap rin ng Diyos.
At maya-maya'y dumating na rin ang takdang oras para bigyang-wakas ang kasalan. Ang paglalahad ng wedding vows.
Nakita kong nakatitig sa akin si Fr. Pascual, at tumango siya sa direksyon ko.
"Lance Jacob Santiago, do you take Nadine Beatrice Gonzalez to be your lawful wedded wife, to live in the holy estate of matrimony? Will you love, honor, comfort and cherish her from this day forward, forsaking others, keeping only unto her for as long as you both shall live?" Tanong niya sa akin.
Agad na napunta ang tingin ko kay Nadine, at nakita kong nakatitig rin siya sa akin. Napangiti ako at hinalikan ko ang kamay niya. Ibinalik ko muli ang atensyon ko kay Father.
"I do." Sagot ko.
Tumango si Fr. Pascual at itinuon naman niya ang atensyon niya kay Nadine.
"And Nadine Beatrice Gonzalez, do you take Lance Jacob Santiago to be your lawful wedded husband, to live in the holy estate of matrimony? Will you love, honor, comfort and cherish him from this day forward, forsaking others, keeping only unto him for as long as you both shall live?" Ang muling tanong niya.
Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Nadine sa kamay ko, at bago niya sagutin ang tanong ni Father ay binigyan niya ako ng isang mapaniguradong ngiti.
"I do." Sabi niya.
Pagkatapos nun ay muli naming inulit ni Nadine ang aming mga vows, na agad namang sinundan ng exchanging of rings. Ngumiti si Father sa amin at tumango. Napatingin siya sa mga spectators at sa amin muli.
"Then by the power vested in me by the Lord Our God, I now pronounce you husband and wife. Lance, you may now kiss your bride." Deklara niya.
Muling nanumbalik ang pananabik na naramdaman ko noong mga nakalipas na sandali, at sa tingin ko'y ganun din ang mga nararamdaman ni Nadine nung mga oras na iyon.
Humarap kami sa isa't isa at inangat ko ang veil na nakatakip sa mukha niya. Nakangiti siya sa akin, at tanging pagmamahal lang ang nakikita ko sa mga mata niya. Hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti na rin.
"I will always love you, Mrs. Nadine Beatrice Gonzalez - Santiago. Forever and ever." Sabi ko.
Hinawakan niya ang kamay kong iyon at tinitigan ako sa mata.
"And I will always love you too, Mr. Lance Jacob Santiago. Forever and ever." Sabi naman niya.
I smiled once again and leaned down to kiss her, marking the start of our forever.
A/N: GIF used is not mine. Credits to the owner/s.

BINABASA MO ANG
My Boyfriend by ACCIDENT [SPLIT - PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS]
Teen Fiction[Accidental Romances Series Book I] - SPLIT INTO FOUR PARTS; PART I PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS; ADAPTED INTO A WATTPAD PRESENTS: TV MOVIE [Summary] Naranasan mo na bang magkaroon ng isang relationship na aksidente lang nangyari? Yung tipong pinag...