Isang malaking pagtitipon ang nagaganap ngayon sa isa sa mga magagandang high-end hotels sa Pilipinas. Isang babae ang nakatayo sa may lobby, suot ang isang simpleng evening gown na may may maiksing manggas. Hindi ito mapakali at kanina pa patingin-tingin sa relo hanggang sa may sumigaw na ng kanyang pangalan.
"Tiffany!"
Isang lalaking edad bente pataas ang nanguna sa pagpunta sa kanya, sumunod ang dalawang binatilyo, at ang panghuli ay ang isang yayang karga-karga ang batang lalaki.
"Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa nag-umpisa ang party. Tanong ng tanong yung daddy n'yo sa 'kin."
"Medyo traffic kasi. Tapos late na rin ako nakarating ng bahay galing ospital." Sagot ng nakatatandang lalaki.
"OK, sige. Tutal dinner time na rin. Let's go."
Dali-dali silang pumasok sa isang malaking ballroom at bumungad kanila ang magandang set-up ng party. Puno ito ng mga naggagandahang ilaw at bulaklak. Sa bandang likod, naroroon ang maliit na orchestra, kung saan tumutugtog ito habang nagsisipagkain ang mga bisita.
Nilapitan agad nila ang table sa gitna na may lamang limang katao. Ang Chairman at CEO ng BM Corportion at ama ng apat na lalaking kadarating lamang, si Jaime Lorenzo, katabi nito ang stepmother nilang si Amanda Perez-Lorenzo, sunod ang anak nito at stepsister nilang si Camille Gerente katabi naman ang boyfriend at Chief Legal Officer ng BM Corporation na si Atty. Mark Evangelista, at ang panghuli ay ang stepbrother nila at COO ng BM Corporation na si Seb Gerente.
"Dad." Ani ng nakatatandang lalaki at nilingon naman ito agad ng Chairman. Niyakap n'ya ng sandali ang ama at kinongratulate dahil sa natanggap nitong award bilang 'Businessman of the Year'. Matapos ay pumunta na agad ito sa kanyang stepmother upang i-beso ngunit wala man lamang itong reaksyon sa ginawa sa kanya. Sumunod ang dalawang binatilyo at katulad ng nangyari sa kanilang kuya, wala ding amor ng makita ang mga ito.
Binaba na din agad ng yaya ang walong taong gulang na batang lalaki. Dali-daling binati nito ang kanyang ate Camille para halikan sa pisngi ngunit matapos gawin ay pinunasan agad ito. Tapos ay nakipag-high five naman ang bata sa boyfriend nitong si Mark na kung mapapansin mo ay talaga namang close sila nito. Sumunod ang kanyang stepbrother na si Seb, nginitian lang s'ya nito at tumuloy na sa pagkain. At ang panghuli ay ang kanyang tita Amanda.
"Hi Tita!" masayang sinabi ng bata.
Huminga muna ng malalim ang kanyang Tita Amanda bago n'ya nilingon ang bata.
"Hello, young man." sabi nito sabay ngiti ng pilit na pilit.
"Why don't you go to your yaya and eat dinner na, OK?" tuloy niya.
"But I haven't kiss your cheek, yet." Sabi naman ng bata. Nag-iba ang emosyon ng mukha nito at biglang sineryoso ang tingin.
"....be a good boy and follow me. Go to your yaya."
"But I still have something to say, tita."
"---What is it, son?" biglang sabi ng Chairman.
"Na hindi na pantay yung eyebrows ni Tita Amanda." inosenteng pagkabigkas ng bata.
At natawa naman ang tatay.
Tumawa rin ng mahina ang magkakapatid na lalaki pati na rin si Tiffany.
Nang mapansin na ni Tiffany na hindi na maganda ang awra ng mukha ni Amanda, kinuha n'ya agad ng bata at ipinagpaumanhin ito.
"Ahmmm, Ma'am Amanda, ako na po ang humihingi ng pasensya kay Nicos. Sir Jaime, sasamahan ko na pong kumuha ng pagkain ang mga anak n'yo. Excuse me."
BINABASA MO ANG
The Big Brother and I (ON HIATUS)
RomancePAALALA: There will be misspelled words/wrong grammar/errors dahil hindi po ako nagpo-proofread. READ AT YOUR OWN RISK :) Nadismaya ang ilan nang malaman nilang isang taga-labas ang magmamana ng pwesto ni Jaime Lorenzo bilang Chairman ng BM Corporat...