Chapter Thirteen

73 5 0
                                    


"Which floor?" Tanung ni Jordan sa kanya ng mapansing hindi pa pinipindot ni Tiffany ang buton ng elevator para makaakyat sila. Tahimik lang kasi si Tiffany sa gilid habang hawak-hawak si Nicos.

"Anu na? Aren't you going to press the button?" Tanung n'ya muli.

"Ay!----Oo nga pala. Sorry, Sir." At lumapit na si Tiffany para pindutin at nagsiula na silang umakyat.

"Ba't sa seventeeth floor? Di ba sa nineteenth floor yung office n'yo ni Dad?" Biglang tanung naman ni Nicos sa kanya na ikinalingon ng ulo ni Jordan.

"...Eh kasi Nicos, may iba na munang nag-ooffice dun. Si Kuya Seb at yung E.A. n'ya. Si Ate Kim. Sila muna pansamantala dun."

"Bakit? Diba ikaw yung E.A. ni Dad? Bakit ka pinalitan ni Kuya Seb?"

"...kasi----Masyadong mahaba kung ieexplain ko sa'yo. Baka hindi mo rin maintindihan."

"OK----------Ay! I forgot to greet you-----Hi! I'm Nicos. My father owns this building. He's the Chairman kaya I'm allowed to visit here. What's your name, Mister?" Tanung naman n'ya kay Jordan na ikinaalarma ni Tiffany dahil sa hindi pa alam ni Nicos na kapatid nga n'ya ito.

"----Jordan." Sagot naman n'ya.

"Jordan?------Are you the Jordan I talked to when I called Tiffany?"

"...yes."

"Why are you here, then? Magtatrabaho ka na rin dito sa company namin?"

"...I hope so."

"Galingan mo lang katulad ni Daddy at ni Tiffany, for sure makakapasok ka rin."

Ngumit lang si Jordan sa bata at hinaplos ang ulo nito.

"...It smells like milk." Sabi ni Nicos.

"Ah.. baka yung damit ko. Natapunan kasi ako kanina ng bata sa tren-----Dito na tayo! Hay Panginoon, salamat bumukas din!" Dire-diretsong sabi ni Tiffany dahil sa kabang nadarama n'ya sa dibdib ngayong kasama na n'ya si Jordan.

"...This way, Sir." Sabi ni Tiffany habang tinatahak nila ang daan papunta sa kanyang bagong opisina. Binabati naman sila ng mga empleyadong nakakasalubong nila sa hallway.

"Good Morning Miss Tiff. Good morning, Sir."

"Good Morning."

...Hala sila... Kiligkiligan to the max... Bulong ni Tiffany sa sarili nang mapansing ibang-iba ang ngiti ng mga babaeng nakakasalubong nila at bumabati sa kanila sa paligid.

Maya-maya pa'y nakarating na sila sa isang closed cubicle at pinapasok na sila ni Tiffany sa loob.

"Upo po kayo. Papatawag ko lang po si Mark—ay este! Si Atty. Evangelista pala. Excuse me po." At duon na iniwan ni Tiffany si Jordan at Nicos.

"...kawawa naman si Tiffany." Biglang sabi ni Nicos matapos masara ni Tiffany ang pinto.

"Bakit naman?"

"Kasi parang pinapaalis na rin s'ya dito sa company. Tignan mo, sa iba na yung office n'ya. Sa taas pa dapat yun eh..."

"Baka naman may nagawa s'ya na hindi nila nagustuhan kaya ganito ang ginagawa nila sa kanya."

"Hindi. Hindi lang kasi talaga n'ya kakampi sila Kuya Seb... lalu na si Tita Amanda. Pati na rin si Ate Camille... Inaaway nila ni Tita Amanda si Tiffany... pati kami rin nila kuya inaaway rin nila."

The Big Brother and I (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon