Tumigil ang isang sasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant sa Alabang. Iniluwa nito si Mike Tuazon. Binati s'ya ng isang staff at sumuod s'ya dito papunta sa loob.
"...this way, Sir."
Bakas sa kanyang mga kilos at mata na ito'y kinakabahan sa lugar na kanyang pupuntahan. Dinala s'ya ng staff sa isang private area kung saan nakita n'yang nakaupo na at kumakain ang kanyang sadya. Si Jordan.
"Have a seat."
Umupo si Mike sa harapan ni Jordan. Busy ito habang iniisa-isa nito ang mga innorder n'yang pagkain para sa kanilang dalawa.
"...ilang beses akong sumakay ng eroplano itong mga nakaraang araw... pero iniisip ko na baka matigil muna ang lipad ko pag inumpisahan ko nang tumapak ng Pilipinas." Pauna n'yang salita kay Mike ngunit abala pa rin ito sa pag-kain.
"...Sinabi na sa 'kin ni Tiffany ang nangyari." Sabi ni Mike at duon na tumigil at tumingin sa kanya si Jordan.
"Of course!----Tauhan mo rin s'ya. She's just doing her job!...You should give her an increase, by the way. Magaling ang ginawa n'ya para makausap ako. Magaling s'yang mang-uto."
Isang bunting-hininga ang pinakawalan ni Mike matapos marinig ang mga pinagsasabi ni Jordan. Napaisip s'ya at biglang tumayo.
"Jordan. I don't think ito ang oras para magkausap tayo. You're still upset about what happened... It's best kung malamig na ang ulo mo. Excuse me." Tumalikod si Mike at naisipang iwanan si Jordan. Ngunit napatigil ito ng biglang magsalita si Jordan.
"Sit down."
Hinarap s'ya ni Mark at nakitang seryoso ang mga matang nakatitig sa kanya.
"---I have a lot of questions and I need answers right away." Sabi ng binata.
Bumalik si Mike sa kinauupuan at hinarap muli si Jordan.
"I'm sorry if I made you feel uncomfortable... Siguro nga... mainit pa rin ang dugo ko... Well, sino ba naman ang lalamig ang ulo sa mga nangyari at nangyayaring kaganapan dito?"
"...I'm sure your father is regretting it."
"Ows? Talaga? Hahahaha... You know what Ninong... sana lang talaga.. sana lang na pinagsisisihan n'ya... kasi atleast alam n'ya sa sarili n'ya na maling-mali ang ginawa n'ya. He's the one who ruined our lives... Dahil lang sa pagmamahal n'ya sa babaeng 'yon."
"Wag mong sabihing...alam mo na ang tungkol kay Amanda nuon pa? ... Wait... was she the reason why you left suddenly?"
"Hindi na importante 'yon."
Napayuko si Mike sa rebelasyong narinig. He feels sorry for Jordan ngayong nalaman n'ya ang dahilan ng kanyang pagkalayo sa pamilya.
"...I know you felt betrayed learning all of that... Iniisip mo siguro how your father never loved you mom... And siguro... kahit sa pagtanggap ni Diana n'on... you thought na it's impossible for you to see your parents act like that... pero Jordan... it doesn't mean na.. nalaman mo ang tungkol kay Amanda... hindi minahal ng tatay mo si Diana... He loved your mother more than you'll ever imagine... I know that... kaya nga nandyan si Nicos eh... that child is the proof of his love for Diana."
"...Huh? Alam mo Ninong... this is not the right time to talk about that-------Anyway, I just want you to know that I am staying here for the time being. Siguro this week I'll....try to visit the company. Yun naman ang dahilan kung bakit nandito di ba? Gusto n'yong palitan ang ama ko?"
BINABASA MO ANG
The Big Brother and I (ON HIATUS)
RomansaPAALALA: There will be misspelled words/wrong grammar/errors dahil hindi po ako nagpo-proofread. READ AT YOUR OWN RISK :) Nadismaya ang ilan nang malaman nilang isang taga-labas ang magmamana ng pwesto ni Jaime Lorenzo bilang Chairman ng BM Corporat...