Matapos kabahan, iuntog ang ulo sa pinto ng cubicle at gumawa pa ng kung anu-ano si Tiffany dahil sa kanyang situwasyon ay kumalma na ito huminahon. Binuksan n'ya ang pinto at dumiretso sa harapan ng salamin upang iayos muli ang nabura n'yang make-up sa mata at labi.
"Tiffany... hindi pa. Hindi ka pa nabibisto. Kaya mo 'yan. Nandito ka hindi dahil sa inutusan ka lang... Ginusto mo rin 'to... para sa mga kapatid n'ya 'tong ginagawa mo... Para sa mga bata... Zion, Zeke...Nicos.... Gabby... Give me strength boys!----Tiffany can do it."
Lumabas s'ya ng restroom at nakitang nag-uusap pa rin si Jordan at Oliver. Lumapit s'ya sa dalawa at dahang-dahan s'yang umupo ng silya.
"OK ka na?" Tanong ni Oliver.
"Oo... Siguro may nakaalala lang sa' kin."
"...baka nga. Mag-isa ka lang dito. Babae ka pa. For sure na merong nag-aalala sa'yo."
"...Siguro nga... Pero wala naman dapat silang ikaalala. Matapang ako at independent."
"I don't think so. Nawala ka nga kanina eh."
"Nawala s'ya?" Nagtatakang tanong ni Jordan,
"Oo... Nakalimutan ko. S'ya yung babaeng tinulungan ko kaninang umaga dahil nakalimutan n'yang bumalik ng hotel. Tapos nakalimutan din n'ya ang pangalan ng hotel. Buti na lang nakita ko yung name dun sa bike na hiniram n'ya."
"Oo nga... Nakakahiya.. Pero yun lang naman eh. Alam mo na.. First time sa ganitong lugar kaya minsan nagiging makakalimutin." Tiffany explained while she tucked a strand of her hair behind her ear.
Sabay nagsalita si Jordan.
"...hindi magandang senyales 'yon... Maganda ka pa... Pwedeng may mag-take advantage sa 'yo." Sabi n'ya.
Natahimik ang dalawa sa nasabi ni Jordan.
Ngunit parang wala lang ito sa kanya. Kinuha n'ya ang baso n'yang may lamang red wine at ininom. Kitang-kita ni Tiffany ang adam's apple nito sa maganda at mahabang nitong leeg. Matapos uminom ay tinuloy pa ang kanyang sasabihin.
"---Mas maganda yata na may kasama ka."
Sinabihan n'ya ko na maganda... Sinabi n'ya na maganda ako... maganda daw ako...
><
Natapos silang kumain saktong 8:30 pm. May mga nangyaring hindi inaasahan ngunit busog naman ng kanilang mga tiyan.
"I've had a wonderful Danish dinner thanks to the two of you." Isang magandang ngiti ang pinakawalan ni Oliver sa dalawa na animo'y hindi mo na makita ang kanyang mata habang s'ya'y nakangiti.
Sinuklian naman din ito ng matamis na ngiti ni Tiffany.
"Salamat sa treat. Masarap talaga ang inorder mo."
"Really, thanks."
Tinapik naman ni Jordan ang balikat ni Oliver at nagpasalamat.
"Same here, pare. I've had a wonderful day thanks to you." Sabi nito at nag-approve sign si Oliver sa kanya.
"---and to you, Tiffany. Thank you." Tuloy nito sabay bigay ng saglit na ngiti para sa babae sa kanyang harapan.
Wag kang ganyan... Ampogi mo pa naman lalo ngayon sa suot mo.
"Anyway, I'm staying at my relative's place. So, you, Tiffany can go back to your hotel with Jordan. Ingatan mo s'ya pare." Paalala ni Oliver na ikinagulat ni Tiffany.
BINABASA MO ANG
The Big Brother and I (ON HIATUS)
RomancePAALALA: There will be misspelled words/wrong grammar/errors dahil hindi po ako nagpo-proofread. READ AT YOUR OWN RISK :) Nadismaya ang ilan nang malaman nilang isang taga-labas ang magmamana ng pwesto ni Jaime Lorenzo bilang Chairman ng BM Corporat...