Habang nakatira muna pansamantala si Tiffany sa bahay ng kanyang magulang ay kinamusta naman niya ang bunsong kapatid na si Jerome sa kwarto nito. Tinutugtog nito ang electric guitar na kaniyang niregalo sa kanya.
"Kamusta?" sabi n'ya at tinabihan n'ya ang kapatid na nakaupo sa kama.
"Oks na oks syempre! Salamat ate ha." Masayang sabi ni Jerome at niyakap agad ang kapatid.
"Naman. Christmas, birthday at graduation gift ko na 'yan para sa 'yo."
"Grabe naman te. Christmas at Birthday na lang. Yung graduation gift ko next year pa yun eh."
"O sige...sa graduation mo cellphone na lang. Pag mataas ang grades mo, mamahalin ang bibilhin ko, pero pag mababa, flip phone ang ibibili ko sayo."
"Sobra ka naman, te. Eh si ate Heny nga eh, may singko sa subject pero binilhan mo ng laptop."
"Eh kailangan n'ya 'yon eh. Tsaka mahirap naman talaga yung subject tapos marami rin naman silang bagsak hindi lang sya... Basta Jerome, to lang ang gusto ko...ayokong malalaman ko na inuuna mo ang pagtugtog kesa sa school mo, OK?"
"Ate bubuo kami ng banda ng mga kaibigan ko. Pero syempre hindi ko naman pababayaan ang pag-aaral ko."
"Dapat lang. Pero...yang pagbabanda na yan... hindi basta-basta 'yan... pwedeng sumikat kayo o pwede ring hinde....Pag sumikat kayo...I'm sure marami kang magiging fans....in short marami ang magkakagusto sa 'yo once na tumugtog ka sa stage...Eh ang gwapo mo pa namang bata! Aba! Jerome, maraming babae ang marupok kapag nakakakita sila ng lalaking magaling tumugtog ng gitara at kumakanta pa---"
"Katulad mo?"
Nagulat s'ya nang biglang may sumingit sa usapan nila. Ang mama nila.
"...di ah!" Biglang deny naman si Tiffany.
"Sus! Eh di ba kaya ka nga nainlab kay O-Town? Dahil sa mga pakanta-kanta n'ya at patugtog-tugtog?"
"Ma, pwede ba? Nagsi-siblings-talk kami dito ni Jerome. Bawal ang bad words."
"Hay nako. Ikaw nga no'n marinig mo lang ang 'Cuz I want it all or Nothing at all!' kilig na kilig ka na, Stefania!"
"Ma, noon 'yon OK? Past tense! Tama na nga at tapos na ang panahon ni O-Town, One Direction na ang uso!"
"Asus!"
Hanggang sa magulantang ang pag-uusap nila sa sigaw ng isa nilang kapatid.
"ATE, MAMA! ATE, MAMAAAAA! OH MY GOSSSSHHH!"
Napakunot ng noo ang mag-iina sa sigaw ni Eugenia at nararamdaman nilang papunta ito sa kanilang kwarto.
"MAMA!"
"Anak ng—Tumigil ka nga ang ingay mo!" sabi ni Jacki at tinapik ang noo ni Heny.
"Ouch, Ma! May pimples ako do'n!"
"Anu ba 'yon Heny? At pagka-ingay-ingay mo?! Ang lapit lapit lang namin ni Mama sa 'yo!" tanong ni Tiffany.
"SI PRINCE CHARMING NANDITO!"
"Sino?!" taka niya.
"Si O-Town?" tanong ni Jackie na may halong pangaasar sa anak.
"Ma?! Pwede ba!? Tigilan mo na ang kaka-O-Town!"
"Nagtatanong lang."
"Hindi no! Si Prince Charming ko!"
BINABASA MO ANG
The Big Brother and I (ON HIATUS)
RomancePAALALA: There will be misspelled words/wrong grammar/errors dahil hindi po ako nagpo-proofread. READ AT YOUR OWN RISK :) Nadismaya ang ilan nang malaman nilang isang taga-labas ang magmamana ng pwesto ni Jaime Lorenzo bilang Chairman ng BM Corporat...