Pinatuloy ni Tiffany si Jordan sa kanilang bahay. Sa terasa nila naisipang mag-usap at gaya ng sinabi ni Jordan, hindi muna ito nagpalit ng damit. Umupo si Tiffany sa bakod ng kanilang terrace na gawa sa tiles. Habang si Jordan naman ay nakatayo habang nakahawak sa bakod at malayo ang tingin.
"So...anu na ang... pag-uusapan natin? Anu'ng gusto mong itanong?... Handa akong sagutin kung anuman 'yon..." Paunang sabi ni Tiffany habang nakatingin at nilalaro n'ya ang kanyang mga daliri sa kamay.
"...Ba't ka nagresign? Sinasadya mo ba 'to? Continuation ba 'to ng nagawa mo sa kin sa ibang bansa?" Sabi ni Jordan habang naktingin na ito kay Tiffany.
"...Hindi."
"Pinilit ka ba ni Seb?"
"...Hindi, Jordan. Ako ang nagpasya no'n. I filed it matapos kong makabalik ng Pilipinas."
Napakunot ang noo ni Jordan.
"Bakit? Dahil ba sa nangyari sa' tin sa ibang bansa? Dahil sa nagalit ako sa 'yo? Sa ginawa mo?" Tanong n'ya.
Lumunok si Tiffany at binasa n'ya ang mga labi.
"Before ko pang tanggapin ang pagsunod sa'yo sa ibang bansa... hindi na maganda ang relasyon ko kay Seb at Ma'am Amanda... Nagkaron kami ng maraming hindi pagkakaunawaan... Hindi ko alam pero... nawalan ako ng pag-asa... Wala na rin akong makapitan.. dahil wala ang Chairman... nagbanta na rin sila na kapag si Seb na ang umupo... for sure na tatanggalin nila ako... pati na rin daw ang mga kaibigan ko... Kaya, Jordan... wala akong choice kundi gawin 'yon..."
"Hindi mo man lang ba naisip na baka pwede akong bumalik at kailanganin kita?"
"Ha!...Maiisip ko ba 'yon sa laki ng galit na pinakita mo sa 'kin?!"
"Kahit na-----Tiffany, kahit galit ako sa'yo..... sa pinagsamahan natin do'n... sa tingin mo matitiis kita?"
Hindi agad nakasalita si Tiffany ngunit napa-isip ito at sinagot si Jordan.
"Bakit? Sino ba ko para...hindi mo matiis? E.A. lang ako ng daddy mo.... Nandun lang ako para... sundan ka at kumbinsihin ka.... Naloko pa nga kita di ba? So pa'no ko maiisip 'yon?"
Napakagat si Jordan sa kanyang labi at pinunasan ang mukha.
"Siguro nga... Sino ka ba para tiisin ko?! Sino ka ba para bigyan ko ng malasakit?! ...Naloko mo na nga ako eh... So sino ka para pagkatiwalaan ko?" Sabi n'ya na ikinahiya ng loob ni Tiffany.
Nilapitan n'ya ito at tinignan ang mga mata.
"...Pero 'yun ba ang mga inisip ko nang makita kita? I admit I wasn't ready to see you after what happened in Sweden... Kasi siguro... masakit pa rin para sa 'kin ang lahat... And I think It wasn't all because I feel betrayed...but I think it's also because-------Nanghihinayang ako... Kasi naging masaya ako nung panahong nakasama kita." Tuloy ni Jordan.
Napalaki ang mata ni Tiffany sa narinig. Hindi n'ya ito inaasahang sasabihin ni Jordan sa kanya. Napanga-nga s'ya ng kaunti at hindi nakapagsalita.
"...Kaya nga ng makita kita, kahit iba na ang suot mo and you were using formal language with me; that made me feel so irritated dahil hindi pa ko sanay.......Nagkaro'n pa rin ako ng pakialam sa'yo---- I bought you clothes para hindi ka mahiya sa'min... and I even visited you to the hospital nung nalaman ko ang nangyari sa 'yo."
Huminga ng malalim si Tiffany.
"....Naaawa ka lang. Kaya gano'n." Sabi n'ya.
"No---No... I know how I feel."
BINABASA MO ANG
The Big Brother and I (ON HIATUS)
RomancePAALALA: There will be misspelled words/wrong grammar/errors dahil hindi po ako nagpo-proofread. READ AT YOUR OWN RISK :) Nadismaya ang ilan nang malaman nilang isang taga-labas ang magmamana ng pwesto ni Jaime Lorenzo bilang Chairman ng BM Corporat...