Nakatayo habang nakasandal sa harap ng boardroom sila Tiffany at Mark. Nandun din si Camille kanina ngunit umalis na din ito agad at iniwasan pa rin si Mark.
"So may LQ kayo." Biglang sabi ni Tiffany.
"...Hindi naman... Meron lang hindi pagkakaunawaan."
"OK." Tango n'ya.
"Ang itim ng mga eyebags mo ah... hindi ka pa ba natutulog?"
"...Hindi pa. Tinapos ko pa kasi yung presentation tapos naghanap pa ko ng documents na pwedeng magamit ni Sir Jordan. Umuwi ako ng apartment para lang maligo tapos balik na uli ako dito."
"Matulog ka muna. Siguradong napagod ka magdamag. Sige na."
"Wag na. uminom naman ako ng gamot. OK lang ako. Gusto kong.... Hintayin ang resulta. Nakasasalay din do'n ang... isang desisyon ko...kaya... gusto ko sanang hintayin na."
"Matagal pa 'to matatapos. Kaya matulog ka muna... Baka himatayin ka pa dito-----Gusto mo bang ako pa ang bumuhat sa'yo?"
Napatingin naman ng masama si Tiffany sa kanya.
"O?----Diba? Kaya... matulog ka muna. Kahit dun na lang sa office mo. May sofa dun di ba? Sige na. I will call you kapag lumabas na sila. Kaya go. Aalis din ako dito. May inaantay lang ako."
"...sige."
><
Sa loob naman ng board room, nagsisimula nang magtapos ang presentasyon ni Seb sa harap ng board of directors na boboto kung sino sa kanila ni Jordan ang pwedeng maging presidente ng kumpanya.
"With all this....Siguro naman... I am very qualified to replace the Chairman and CEO of this company."
"...I also think the same. In fact I am very impressed. But still... there is another possible candidate that I think... will surprise us even more than he did yesterday." Sabi ni Director Lopez.
"It's your turn to impress us, Mr. Lorenzo."
Tumayo si Jordan at inihanda naman ang kanyang presentation sa harap. Umupo na si Seb at tinignan ang ina. Nag-usap ang kanilang mga mata ng tumuntong na si Jordan sa kanilang harapan.
"Good Afternoon, I am Jorge Daniel Borromeo Lorenzo. You can call me Jordan, for short----Before I begin, some of you in this room don't have any idea where I came from. I was told that my existence was kept secret... maybe due to what I did ten years ago. I left this company and this country...I can't let you know the reason, though... Tutal, the thing that's important today ay kung sino ang karapat-dapat na pumalit sa pwesto ng tatay ko----- I'm not gonna lie, Mr. Gerente's experience in this company is too good, to the point na inisip ko na parang wala na kong laban. Talo na. Uwi na. May nanalo na.---Those were the words that entered my mind... but then naisip ko ulit... bakit nga ba ako bumalik dito? Anu bang pinaglalaban ko? I am here because of what?-------Then, dun lang lumabas ang lahat ng rason ko... ANG DAMI... sa sobrang dami, ito ang tumatak sa' kin... that thing I promised to a young boy yesterday... The young boy who doesn't even know that I am related to him..."
"What's it, then?" Director Lopez asked.
"I promised..to be his Spiderman."
"His Spiderman? You mean to be his friendly neighborhood?" Sabi ni Director Tuazon na ikinatawa ng iba maging nila Amanda at Seb.
BINABASA MO ANG
The Big Brother and I (ON HIATUS)
RomancePAALALA: There will be misspelled words/wrong grammar/errors dahil hindi po ako nagpo-proofread. READ AT YOUR OWN RISK :) Nadismaya ang ilan nang malaman nilang isang taga-labas ang magmamana ng pwesto ni Jaime Lorenzo bilang Chairman ng BM Corporat...