Chapter Three

71 5 0
                                    

Napaisip sa nasabi ni Amanda si Tiffany tungkol sa mga anak ni Jaime.

"...P-po?"

"Wala ba s'yang inuutos sa 'yo sa labas ng kumpanya? Something, confidential?"

"...mga anak n'ya lang po ang dahilan---"

"EXACTLY...sa mga anak nga n'ya...May alam ka na bang hindi ko alam?"

"...Ma'am...hindi ko po kayo maintindihan. Pasensya na po pero may kailangan pa po akong gawin. Excuse me---"

"Don't you turn your back on me! Kinaka-usap pa kita!"

"Ma'am Amanda, wala naman po talagang inuutos sa 'kin si Sir Jaime sa labas ng opisina pwera na lang kung tungkol sa mga bata! Yung mga school matters lang po ang pinakekeelaman ko. Wala na po akong alam ng higit pa don."

"We both know na ayaw natin sa isa't-isa, Tiffany! Malas mo lang...asawa ako..."

"Kung gano'n naman po pala.... wala na po palang saysay kahit anung pang sabihin ko dahil magiging bingi lang po kayo at pipilitin pa rin kung anu ang gusto n'yo------Wala na kong magagawa kung may pinaniniwalaan na kayo--------I'm sorry, Ma'am Amanda....Nagtatrabaho ako at hindi nangengeelam ng buhay."

Pagkatlikod ni Tiffany ay bigla-biglang hinablot ni Amanda ang kanyang buhok at hinila ang katawan n'ya pabalik.

"Bastos ka!"

"Aray! Ma'am!"

"Ang kapal ng mukha mo! How dare you! You bitch!"

Hindi na napigilan ni Tiffany ang mabigat na kamay ni Amanda dahil sa sobrang higpit ng pagkakahila nito sa kanyang maiksing buhok. Napaupo na lang s'ya sa sahig habang hawak-hawak ng dalawang kamay n'ya ang kamay ni Amanda upang mapigilan ito. Ngunit habang nakahawak si Amanda sa kanyang buhok ay bigla-bigla naman s'yang pinagsasampal nito gamit ang isa pa n'yang kamay.

"Wala kang galang sa 'kin! Ang kapal, kapal mo!"

Hanggang sa dumating ang isang lalaki at dali-dali itong pumunta sa kanila

"Tiffany!" si Gabby.

Hinawakan n'ya ang kanyang stepmother ngunit hindi talaga ito nagpapapigil at bigla nang lumabas ng opisina si Jaime.

"AMANDA!"

Ngunit hindi ito narinig ni Amanda at patuloy pa ring sinasaktan si Tiffany.

"Tita tama na!" Sigaw ni Gabby sa tila nagwawala n'yang madrasta ngunit ito'y parang walang tenga at nakatingin lamang sa nagdurusang si Tiffany.

"Ang kapal mong sabihan ako ng ganyan! Ako ang reyna dito! Walang pwedeng sumagot sa 'kin!----"

"AH..." Si Jaime. Unti-unti itong napapaluhod habang nakahawak s'ya sa kanyang dibdib. Nang makita ito ni Gabby ay dali-dali nitong pinuntahan ang ama at ito rin ang dahilan upang matigil si Amanda.

Nakatingin lamang ito sa asawang napahiga na sa sahig. Maging si Tiffany ay hindi na nakapagsalita sa nangyayari at nakatingin lamang ito sa butihing amo.

Sinandal ni Gabby ang ulo sa kanyang kamay ang amang nawalan na ng malay habang ito'y naluluha.

"...Dad?.....DAD!-----911!----DAD! DAD PLEASE!"

Lumapit na agad si Amanda sa asawa nito at hinaplos ang mukha.

"...Jaime...Jaime...Come on... don't do this... don't do this to me Jaime!"

><

Dinala agad si Jaime sa Emergency Room at duon ay nirerevive na s'ya ng doctor. Nakatayo lang sa labas ang umiiyak na si Gabby at ang kinakabahang si Amanda.

The Big Brother and I (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon