Chapter Seven

86 5 0
                                    



Matapos ang mga kaganapan tungkol sa pag-babakasyon ni Tiffany, binisita ni Amanda ang opisina ng anak upang kumustahin ito sa kanyang mga nagagawang desisyon.

"Nasa'n ang anak ko?" Tanong n'ya sa admin assistant nito.

"Nasa loob po ma'am." Manginig-nginig na sagot nito. Dumiretso naman agad si Amanda sa pinto ng opisina ni Seb ngunit tumayo agad ang assistant at pinigilan ito.

"Ay teka sandali lang po!"

"At bakit?!"

Bumukas bigla ang pinto at iniluwa nito ang babaeng pamilyar na pamilyar sa kanya.

"----good morning Ms. Amanda." Bati ng babae.

"What the hell are you doing here....?" Gulat na gulat si Amanda na halos manginig s'ya sa galit habang tinitignan ang babae sa kanyang harapan na halos walang ekspresyon ang mukha.

"...I was appointed to be his assistant while Ms. Tiffany Veloso is on vacation."

Kinagat ni Amanda ang ibaba ng kanyang labi at huminga ito ng malalalim. Maya-maya pa'y sumulpot na si Seb sa likod ng babae.

"Ma!"

"---Bakit nandito ang babaeng 'yan! Sagutin mo 'ko!" Sigaw ni Amanda.

Bumuntong-hininga lang si Seb at pinunasan ang mukha gamit ang kamay. Lumabas s'ya ng pinto at tinignan ang babae at ang admin assistant nito.

"Both of you get out of this room. Now."

"O--OK, Sir."

Umalis ang dalawa at pagkasara mismo pinto ay inumpisahan na ni Amanda si Seb.

"Anung ginagawa mo?! Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pamilya natin...Inisip mo pa na ipakita sa 'kin ang babaeng 'yon! Pinagtrabaho mo pa sa kumpanya ko! How dare you!?"

"Kumpanya mo, Ma? Sino ba ang nagpakahirap sa lahat ng nandito?---Ikaw? Ma, I'm the one who will be replacing Tito Jaime, hindi ikaw. Kaya may karapatan akong ipasok ang kahit sinong gusto kong makapasok dito! Kim is my special assistant and she will work here with or without your consent!"

"Yan ay kung meron ka pang pagkakataon...You already know their plans about Jordan.... Pero anung ginawa mo? Pinayagan mo pang paalisin si Tiffany! Hinayaan mo na makagawa ng paraan sila ni Mike para pabagsakin tayo!---"

"TAMA NA!---------TUMIGIL KA NA!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Seb sa ina. Natigil ito at napalunok sa gulat.

Tumalikod si Seb at nagpamewang.

"...Hindi dahil pumayag ako...nagpapatalo na ko... Hindi ako duwag, Ma. I know what I can do.... Kahit anu pang mangyari.... Gagawa't gagawa ako ng paraan para lang ako ang magtagumapay... Malaki na ang hirap ko sa kumpanyang ito... Walang makakapigil sa kin kahit bumalik pa ang pinakamagaling n'yang anak!"

><

Tiffany's plane landed safely in Copenhagen. Summer pa rin dito pero medyo malamig na ang hangin. August na kasi. Marami pa ring turista.

Sinundo s'ya ng sasakyan ng hotel na pagtutuluyan n'ya hanggang bukas. Maaga s'yang nakarating kaya marami s'yang time para damdamin ang magagandang lugar dito.

Isang single superior room ang kinuha ni Mr. Mike Tuazon para sa kanya. Maganda ang room na 'to at may kamahalan. Ito kasi ang kinuha rin ni Jordan para kung sakali, mas madaling n'ya 'tong mahahanap.

The Big Brother and I (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon