Chapter Two

76 5 0
                                    

             Nakauwi na sa kanyang apartment si Tiffany alas-diyes pasado ng gabi. Dala ang isang supot na may lamang Bento box galing sa convience store. Naligo s'ya at pagkatapos ay ipinainit sa microwave ang pagkaing binili. Nang matapos ay umupo na ito at inilapag ang pagkain sa lamesa.

Maya-maya ay kinuha ang kanyang cellphone at tumawag.

"Hello Ma? Kamusta ho?"

("Mabuti naman. Ano? Kasya ba sa 'yo yung gown ni Heny? Sabi n'ya sa 'kin medyo masikip na daw yung manggas sa kanya.")

"Kasya naman po ma. Pumayat naman ako kaya OK lang. Pakisabi sa kapatid kong 'yan 'thank you'."

("O sige sasabihin ko pagka-uwe. EH wala pa dito yung batang 'yon gawa nang may pinuntahang birthday party.")

"Baka gabihin na naman 'yang babaeng 'yan. Pagsabihan n'yo, Ma-----S'ya nga pala yung pambili ng gitara ni Jerome, nahulog ko na po sa bangko. Pangako ko po 'yon  sa kanya eh. "

("Ikaw talaga. Ini-spoil mo na naman 'yung kapatid mo. Pero sige sasabihin ko... O eto si Papa mo---------NAK!")

"O Pa?! Kamusta ho?"

("Napost ko na sa facebook yung mga pictures natin sa Coron. Napadevelop ko na rin yung iba. Pakisabi sa boss mo 'Salamat', ha?")

"Sige po Pa, makakaating."

("O sya anak. Mag-iingat ka. Wag mo kaming intindihin at mag-isa ka lang d'yan.")

"Sige po, Pa. Ba-bye po."

Panganay sa tatlong magkakapatid si Tiffany, sumunod naman si Eugenia o Heny na kasalukuyang graduating na sa college at ang bunsong si Geronimo o Jerome na ngayon ay Grade 10 na sa high school. Seaman dati ang kanyang amang si Bernard at nang mag-retiro ay pumapasada na lang bilang UV driver. Samantalang ang kanyang inang si Jackie ay nag-aasikaso ng kanilang Cakeshop business sa tapat ng kanilang bahay.

Medyo malayo man sa pamilya, masaya pa rin si Tiffany dahil umuuwi pa rin s'ya linggo-linggo sa bahay nila sa Caloocan. Sa Makati kasi nakatayo ang building ng BM Corp at duon din malapit ang eskwelahan ng mga anak ng Chairman kaya napilitang mag-apartment na lang si Tiffany para makapasok s'ya nang maaga sa opisina.

><

Saktong Twelve o' clock nag-out si Tiffany para mag lunch sa canteen kasama ang dalawang kaibigan. Si Tess na mula sa Accounting Department at si Georgie mula naman sa Marketing Department kung saan ang boss n'ya ay si Camille.

"Naku mga bakla, grabe talaga 'yang boss ko na 'yan. Naghalf-day na naman, day! Kailangan pa namang magpasa ng proposal para sa gagawing poster para sa Z2 Airlines." Ani ni Georgie.

Ang Z2 Airlines ay pagmamay-ari ng BM Corp. Binili kasi ni Diana ang dating South East Airways at ipinangalan ito sa kambal na sina Zion at Zeke.

"Asa ka naman kasi 'dun sa babaeng 'yon. Wala nang pag-asa 'yon kahit i-pray over mo." Sabi naman ni Tess.

"Sinabi mo pa, day!"

Hanggang sa mapansin nilang nananahimik ang isa nilang kasama. Si Tiffany. Malayo ang tingin at ni hindi pa nagagalaw ang in-order niyang Caldereta na may side dish na gulay. Nakatusok lamang ang tinidor sa lumalamig n'yang kanin.

"Huy teh?!" Gising ni Tess sa nakatulalang Tiffany.

"H---huh? Kumain na tayo. Ang sarap nito panigurado." Sabi ni Tiffany na para bang walang nangyari.

The Big Brother and I (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon