Punong-puno na naman ng tao ang isang sikat na high-end club sa Makati. Maraming nagpaparty at umiinom sabay sayaw sa tugtog na nililikha ng isang sikat na DJ.
Sa di kalayuan, makikita mo ang isang pamilyar na tao sa kumpanya ng mga Lorenzo. Si Sebastian Gerente, ang COO at kasalukuyang Acting Chairman ng BM Corporation. Kasama n'ya ang pinakilalang seketarya n'ya na si Kimberly Benipayo. Nagkakasiyahan silang dalawa habang nakaupo sa couch hanggang sa tumunog ang cellphone ni Seb.
"Hello?" Sagot n'ya.
("Seb! Nasa'n ka ba?! Kanina pa kita hinanahanap.") Sigaw ni Amanda.
"...Nasa club ako."
("Club? What are you doing there? Alam mo naman may importante tayong dapat pag-usapan tapos nagpunta ka pa d'yan?! You better get out of that place RIGHT NOW!")
"......I'm sorry, Ma. We'll talk tomorrow. Bye."
Hinang-up n'ya agad ang ina sabay inom ng inorder n'yang brandy.
"...Mukhang galit na galit ang nanay mo. Is she still the same? Naalala ko kung gaano s'ya ka-bwisit sa 'kin..." Biglang sabi ni Kim.
"...Kung pag-uusapan lang natin ang mama ko... Much better na umalis ka na lang sa harapan ko." Seryosong sabi ni Seb at ikinatahimik ito ng sandali ni Kim.
"—Come on, Seb... We're here to release your stress... OK, I'm sorry. It's my fault. Happy?"
Bumuntong-hininga lang si Seb sabay dumating ang mga inaasahan niyang mga kaibigan.
"Seb! Pare! Kamusta?-----Hi Kim! Long time no see. Kamusta ang New York? Huh?"
><
"Nandito po s'ya Ms. Veloso." Sabi ni Elvin na bodyguard ni Mike Tuazon. Hinatid n'ya sa isang fine dining restaurant si Tiffany. Duon kasi sila magkikita ng kanyang amo.
"Salamat ho."
Pumasok s'ya at sinabi sa waiter ang pangalan ni Mike Tuazon. Inihatid naman s'ya agad sa isang private room. Kung saan nakita n'yang nakaupo na si Director Mike Tuazon at nakaharap sa kanya ang maraming pagkaing inihahanda pa ng isang waiter.
"Good evening po." Bati niya.
"Good evening. Please sit down. Kumain ka na ba?"
"Hindi pa po. Salamat."
"Excuse me." Tawag ni Mike sa waiter na agad namang lumapit sa kanya.
"Yes, sir?"
"Paki-iwanan mo muna kami. I want to have a private talk with her."
"OK, po sir."
Nagumpisa na silang kumain ay maya-maya pa'y binasag nan i Mike ang kanilang katahimikan.
"Si Gabby ba ang nagsabi sa'yo ang tungkol kay Jordan?" Panimula niya.
"Hindi po...Aksidente lang namin nalaman ni Mark ang lahat. Napagdugtong-dugtong namin ang mga nangyari. Tapos... natanong na rin namin kay Gabby at nasabi n'ya ang iba tungkol sa Kuya n'ya."
"Nangyari? Anung nangyari?"
Kinuwento ni Tiffany kay Mike ang nangyaring nagkasagutan sila ni Amanda bago maospital si Jaime.
"Sinasabi ko na nga ba... Takot na takot silang bumalik ang tunay na panganay ni Jaime... Alam nilang mababaliktad ang mundo nila kapag tuluyang bumalik dito si Jordan. That Amanda Perez... Pinlano talaga n'ya na makasal s'ya kay Jaime at ipasok ang mga anak n'ya sa kumpanya para makakuha ng kapangyarihan!-------Naaawa tuloy ako sa mga anak ni Diana... mga bata pa sila...at inosente sa lahat..."
BINABASA MO ANG
The Big Brother and I (ON HIATUS)
RomancePAALALA: There will be misspelled words/wrong grammar/errors dahil hindi po ako nagpo-proofread. READ AT YOUR OWN RISK :) Nadismaya ang ilan nang malaman nilang isang taga-labas ang magmamana ng pwesto ni Jaime Lorenzo bilang Chairman ng BM Corporat...