AN: Hi readers! Another song helped me writing Jordan and Tiffany's scenes.
I do now own this video. Credits to: Labirinth Thez
_____________________________________________________________
Habang papasok ng pinto si Zion ng kanilang bahay, ay narinig n'ya ka'gad ang bunganga ng kanyang madrasta. Nakita n'yang abala ito sa mga binababang gamit ng mga ilang trabahador na lalaki sa kanilang sala.
"Ilabas n'yo dali! Dahan-dahan sa mga 'yan dahil hindi n'yo 'yan mababayaran kahit habambuhay pa kayo magtrabaho dito." Paalala ni Amanda. Nilapitan ni Zion ang mga gamit na may taklob ng kumot at tinignan ito. Laking gult n'ya ng makita ang nakatago dito.
"...Tita? Di ba... mga paintings po 'to ni Mommy? Bakit po... nilalabas n'yo?"
Napalingon si Amanda at huminga ng malalim.
"...Para sa auction... 'wag kang mag-alala. It's for the charity."
"...pero... favorite paintings po 'yan ni Mommy... almost lahat ng nilalabas n'yo... Hindi rin po 'yan.. pinapakielaman ni dad...At tsaka.. di po ba... pinatapon n'yo na 'yan sa bodega?"
Sa sinabi ni Zion, umakyat ng dugo ni Amanda sa kanyang ulo at nilapitan ang binata.
"Nasa'n ba ang Mommy mo? Di ba patay na? Eh yung dad mo? Di ba comatose? So... How do you want me to get their permission?"
"Pero Tita... It's my Mom's... bakit hindi na lang po yung gamit n'yo? Baka meron pa kayong pwedeng i-donate... wag na lang po yung things ni Mommy..."
"Sinasabi ko nga sa'yo na this is for the charity! Hindi ka ba nakakaintinde! Akala ko ba mas matalino ka sa kakambal mo? Why don't you understand this simple explanation?!"
"Tita... if you want... I can ask my classmates... kung sino yung gustong magdonate ng paintings ng parents nila... they're all from well-off families naman---"
"Ano 'ko? Nanlilimos?-----Ang gusto ko mawala na lahat ng ala-ala ng mommy mo! I don't want any of her things INSIDE MY HOUSE!!!----Kung pwede lang... LAHAT ng gamit n'ya ido-donate ko na! Kasama kayong magkakapatid! BWISET!"
><
Patuloy pa ring namasyal sila Tiffany sa panilang pangalawang araw sa Sweden kasama pati ang mga kaibigan ni Jordan at Oliver na sina Tricia at Celine. Pumunta sila sa Gamla Stan, isa sa tourist spots ng Stockholm.
Katulad ng madalas n'yang ginagawa, picture lang ng picture si Jordan sa lugar na animo'y para talga s'yang professional photographer. Tingin ng tingin lang si Tiffany sa paligid ngunit ito'y natutulala s kakaisip sa nangyari nungisang gabi. Hindi naman sila Nag-iimikan ni Celine. Patuloy lang silang nagtitinginan na parang nagsesenyasan kung sasabihin na ba n'ya ang totoo o hindi pa.
"Kanina mo pa ko tinitignan.... Sige ka... baka maningil na 'ko.." Banggit ni Jordan kay Tiffany habang nakatingin pa rin ito sa kanya viewfinder.
"...o barya." Seryosong inabot naman ni Tiffany ang isang Swedish coin.
"...OK ka lang? Kanina ko pa napapansin na parang malalim yung iniisip mo. Is there something wrong?-----Ayaw mo ba silang kasama?"
BINABASA MO ANG
The Big Brother and I (ON HIATUS)
RomancePAALALA: There will be misspelled words/wrong grammar/errors dahil hindi po ako nagpo-proofread. READ AT YOUR OWN RISK :) Nadismaya ang ilan nang malaman nilang isang taga-labas ang magmamana ng pwesto ni Jaime Lorenzo bilang Chairman ng BM Corporat...