Chapter Fifteen

83 7 0
                                    


Napatingin ng diretso si Amanda sa lalaking hindi n'ya inaasahan sa kanyang pag-uwi. Walang ekspresyon ang kanyang mukha ngunit alam mong nagulat ito dahil hindi man lang ito nakasalita agad sa kanyang bisita.

Napalunok s'ya at binasa ang mga labi.

"Ikaw pala--------Gabi na a... Bumisita ka pa? Kung may gusto kang sabihin sa kin. Ipagpabukas mo na lang. Cause I'm too tired to entertain you-----Goodnight, Jordan." Sabi n'ya sabay lakad ito papuntang hagdan ngunit napatigil ito nang magsalita si Jordan.

"It amazes me how you can enter this house without having chills despite all the things you've done------Makapal na talaga ang balat mo. Well, I hope you sleep well in your bed tonight... cause on the following days... I might do something that may give you sleepless nights...-----Goodnight Amanda."

At duon nagpatuloy umakyat si Amanda sa hagdanan.

"Jordan," Banggit ni Manang Lupe nang binuksan na ni Jordan ang pinto palabas.

"Don't worry Manang. Babalik ako."

"Mag-iingat ka, anak."

"Sige po."

><


Sa tapat ng isang tindahan nakatayo si Tiffany, ilang minuto ang nakaraan ay dumating na rin ang kanyang inaasahan.

"Tiffany!" Sigaw ng kanyang amang papunta sa kanya matapos mai-park ang kanilang sasakyan sa tabi ng kalsada.

Pinakuha n'ya sa kanyang ama ang kanyang mga gamit at matapos maipasok ang lahat ng ito sa loob nang sasakyan ay agad nang lumarga ito.

"Anu ang laman ng bag mo?" Tanong ng kanyang ama.

"Yung cellphone at company phone ko po. Tapos yung wallet ko na may mga ID's, ATM... pati yung...Sweldo ko po... na ibinigay na agad..." Malungkot na balita ni Tiffany.

"Magkano 'yon?"

"Thirty Thousand po..."

"Patay tayo d'yan..."

"Pero Pa, may makukuha pa naman po akong Separation Fee... malaki-laki rin 'yon... kaya... wag na ho kayong mag-alala sa kin."

"...Sige. Mabuti't hindi ka nasaktan at may natira ka pang barya para makatawag sa 'kin."

"Oo nga po eh. S'ya nga pala, wag n'yo na rin po sanang sabihin 'to kay Mama."

"OK, sige. Alam ko namang magwawala 'yon at mag-aalala 'yon ng husto."

"Salamat, Pa."

Pagkauwi sa kanilang bahay iniayos na agad ni Tiffany ang kanyang mga gamit sabay ibinagsak n'ya ang katawan sa kanyang bagong palit na bedsheet sa kanyang malambot na kama.

Tumingin s'ya sa kisame at kinausap ang sarili.

"...So...Officially, wala ka na sa BM Corp... Ikaw na lang si Tiffany Veloso... taga-Caloocan... babaeng nanakawan at minalas kanina...Pa'no mo na dudugtungan ang buhay mo, Stefania?----Anu na ang susunod na chapter?----Pa'no ka uli mag-uumpisa?----Yung mga tanong nila sa'yo?----Pa'no mo masasagot?----Nagkamali ka ba talaga ng Calculation?-----Hindi mo ba talaga pinagsisihan 'to?-----------------Anu ba? Ang dami mong tanong, chill ka lang... dami mo nang oras, o!----Nagmamadali, nagmamadali?-----Haayyy...Siguro maganda na rin 'to... Maganda na ring... wala ako d'on..."

The Big Brother and I (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon