Prologue

1.8K 62 14
                                    

Prologue
~~~


"Hindi naman kasi gano'n kadali 'yon."

"Hindi talaga, gulo mo eh."

Bumuntong hininga na lamang ang dalaga at saka sumandal sa kanyang inuupuan.

Bahagyang naging tahimik ang buong paligid, hanggang sa muling nagsimulang magsalita ang dalaga.

"O sige, ikukwento ko na." Saad niya.

Hindi naman sumagot ang binata, at bagkus ay ngumisi na lamang. Bakas sa kanyang mga mata ang dedikasyon upang marinig ang kwentong maaaring makapagbigay sa kanya ng kasagutan, sa tanong na matagal ng bumabagabag sa kanyang isip.

Muling natahimik ang lahat, na tila na inaabangan ang mga salitang malapit ng kumawala sa dalagang ngayo'y paulit-ulit ang buntong hininga. Ang lahat ay sabik na marinig ang alamat patungkol sa mandirigmang nagmamay-ari sa sinumpang espada.

Ang espadang minsan ng iniligtas ang buong kaharian, at ngayo'y nagmistulang mitsa ng isang papausbong na digmaan.

Muling huminga ng malalim ang dalaga, na sinabayan pa ng marahang pagpikit ng kanyang mga mata. Pagkuwa'y pinakawalan rin niya ito, dahan-dahang binuksan ng dalaga ang kanyang mga mata at marahang itinuon ang paningin sa binatang kanina pa inaabangan na marinig ang tungkol sa pamosong alamat...

"Nangyari ito, may ilang-daang-taon na ang nakalilipas..."

***

[Ashereth¹]

Author:Kelvin Brugada

©2016 - 2017

ALL RIGHTS RESERVED

ALL RIGHTS RESERVED

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon