Season 1 Special Chapter #2

327 18 0
                                    

Se01 Special Chapter #2 - Convectuso
~~~


"Manong, magkano 'tong inihaw n'yo?" Tanong ng binatang si Con, habang itinuturo nito ang nakasalang na karne ng baka sa nagbabagang parilya. Kitang-kita sa mga mata n'yang ang pagnanasang matikman ang masarap na karneng iyon at mas lalo s'yang natatakam habang umaalingasaw sa kanyang ilong ang mabangong aroma nito.

"Naku, thirty-five-coppers lang, iho!" Sagot ng maskuladong lalaking, nagmamay-ari sa tindahan nang inihaw. "Mukhang gutom na gutom ka ah? Galing ka bang training?" Tanong niya.

Napakamot naman si Con at marahang napatango.

"Parang ganoon na nga po." Nahihiya niyang sagot.

Ngumiti naman ang tinderong, patuloy pa rin sa pagpaypay at pagbaliktad sa mga nakasalang na karne. Nagpalinga-linga ito't tila ba may hinahanap.

"Ayun—" Saad ng tindero. "Doon kana maupo at ihahatid ko na lang ang pagkain mo doon—ito lang ba?" Tanong niya kay Con.

"Ah..." Simula ng binata. "Extra-rice na rin po—at gravy!" Dagdag niya. Tumango naman ang tindero, habang tahimik namang tinungo ni Con ang pwestong itinuro sa kanya ng lalaki.

Naupo si Con. Tahimik niyang hinintay ang kanyang pagkain. Kailangan niyang maging tahimik at panatilihing maging normal ang bawat kilos. Kailangang hindi makahalata ang tindero sa planong kanina pa niya pinaghandaan.

Dalawa na kasi ang mga nabiktima ni Con ngayong linggo, at kung papalarin ay magiging ikatlo na niyang biktima itong tindero ng inihaw.

"Oh heto—" Dinig ni Con na sambit ng tindero. "Inihaw na karne ng baka, extra-rice at gravy." Inilapag ng tindero sa lamesa ang pagkaing pinili ni Con.

"Maraming salamat po." Sambit ni Con.

"Tumawag ka lang, kapag magbabayad ka na ah? Medyo marami kasing customers." Ani ng Tindero.

Napangisi si Con. Ito talaga ang inaasahan niya.

Kahapon pa minamatyagan at inoobserbahan ni Con ang tindahang ito, alam niyang sa ganitong oras maraming namimili at kumakain dito. Maliit lang 'tong tindahan kaya walang katulong ang tindero sa pagtitinda, isang magandang senyales na magiging matagumpay ang pinaplano ni Con.

"Maraming salamat po sa pagkain." Bulong ni Con matapos niyang pagdikitin ang kanyang mga palad. Sinimulan na niyang kainin ang bagong ihaw.

Ang totoo n'yan; walang pera itong si Con. Kahit isang piraso ng tanso wala s'ya, at ang paraan n'ya para mabuhay? Ito—

Ang mang-gantso.

Ang manloko.

At ang mang-umit sa mga taong, alam niyang kaya niyang lansiin.

Ilang araw na rin na ginagawa ito ni Con, at kung siya ang tatanungi'y hindi niya ginusto ang kanyang mga ginagawa—kinakailangan lang. Para mabuhay, para lamnan ang tiyan. Sinubukan nang manlimos ni Con sa kalsada, manghingi nang kaunting tulong... Subalit hindi ito sapat, lalo kung wala namang may magandang loob na magbibigay sa kanya nang kaunting limos.

Ito ang naging dahilan kung bakit, nagawang manloko ng kapwa nitong si Con. Isang bagay na ni minsan ay hindi niya naisip na gagawin niya.

Nagmula si Con sa isang mayaman at kilalang pamilya, isang pamilyang kinabibilangan nang mga Adventurers. Isang pamilyang kilala sa bansag na "The Walls of Treno" dahil na rin sa angking galing nila bilang mga Tanks sa bawat party o guild na kinabibilangan nila.

Nangmula si Con sa pamilya nang mga Adventurers kung saan ang lahat ay bihasa sa pag-gamit ng kalasag at mabibigat na baluti. Mga frontliners na walang kinakatakutan.

Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon