21

419 24 0
                                    

Chapter Twenty-One - Chase
~~~


Matapos ang pagpunta namin kina Nesha, eh isang buong araw naman kaming nagtraining sa Guild House kinabukasan. Hindi naman daw kasi kami makakapag-training sa labas dahil wala kaming ibang mga weapons, at kung bibili naman kami ng temporary na armas eh siguradong magastos.

Tinuruan na lang kami ni Grendel ng basic Volunteer combat skills na sigurado naman daw na magagamit namin sa darating na festival. Mga basic combat skills tulad ng:

Pagluluto.

Paglalaba.

Pagsasampay.

Pagwawalis.

Paglalampaso.

Pamamalengke.

At kung ano-ano pang mga bagay na ayaw ko nang alalahanin pa. Dahil kung hindi mo naitatanong—

"Oy Van! 'Wag mong kalimutan 'yung sili ah?" Sigaw ni Grendel habang nakayuko naman akong naglalakad, palabas nitong guild house.

"Leche ka—" Bulong ko na sinundan pa nang pagbuntong-hininga.

Ako lang naman sa buong Team Panda 'yung gumagawa nang mga 'to.

Sina Yin at Con eh isinama ni Myro sa labas nang Treno—malapit sa village ng Fortuna, sa isang maliit na ilog kung saan tinuturuan sila nito nang pagmemeditate. Basic meditation lang naman daw ang ituturo ni Myro sa dalawa, sapat na raw 'yon para mas marelax ang katawan nila't magkaroon pa nang dagag na Mana para sa festival.

Casters o Mana Users. Mana kasi madalas ang ginagamit nina Yin at Con sa laban. Ibayong lakas ang nauubos sa kanila sa tuwing ginagamit nila 'yung skills nila. Si Yin—na Potions Master, eh nababawasan nang Mana sa tuwing tinatawag nya si Jiro, habang si Con naman eh dahan-dahang nauubusan nang lakas habang active pa 'yung skill n'yang Taunting Howl.

Support at Tank ang pangunahing role nila sa party namin, at kung wala sila—siguradong walang mangyayari sa Team Panda. Mangungulelat kami. Kaya kailangan talaga nilang magtraining—kahit napaka-ikli na nang panahon.

Sabi nga ni Nana: Kapag natutunan na raw nila ang meditation na ituturo sa kanila ni Myro—hindi na raw magiging mahirap para sa kanila na mas i-develop pa 'yon.

Mabuti pa sila eh. May training talaga.

"Ano bang ipapabili no'ng tukmol na 'yon?" Bulong ko sa sarili, habang hinuhugot mula sa aking bulsa ang listahang iniabot sa akin ni Grendel. "Pang mami na naman?!" Bulalas ko.

Bumuntong-hininga ulit ako.

"Si Thea lang naman talaga 'yung kilala kong mahilig sa noodles." Pailing-iling kong bulong sa sarili, habang tahimik na binabaybay ang mataong kalsada nitong siyudad.

Isang special training naman ang ipinagawa ni Nana kay Thea. Tuturuan daw s'ya nang advance hand-to-hand combat na kasama pa rin sa mga branches ng Basic Volunteer Combat Skills. Mahirap daw 'yung mangyayaring training dahil kakaunti na lang ang oras at siguradong mag-sisimula na 'yung festival.

Fighter kasi 'yung gustong Class na pasukin ni Thea. Mga damager na hindi gumagamit nang weapons, kung meron man—gloves, gauntlet or patos. Ito 'yung dahilan kung bakit hiningi sa akin ni Nana 'yung napulot kong loot doon sa Boss-Exis sa Prestigos. Hindi ko naman kasi gagamitin 'yon, kaya ibinigay ko na lang din.

Ang ipinagtataka ko lang eh kung bakit 'yon ang napili ni Thea. Eh ni minsan hindi ko pa nakitang nakipag-away 'yun eh! Ang hinhin kaya no'n—'ata? Hindi ako sure.

Ewan ko.

Napapailing na lang talaga ako kapag ini-imagine ko si Thea na nakikipag-bakbakan—hindi ko ma-describe eh.

Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon