8

594 35 0
                                    

Chapter Eight - Reunited

~~~


"Van Glory, huh..." Sambit ni Faust, habang mataman niya akong pinagmamasdan. Hindi naman ako matigil sa paglunok ng laway.

"Isusulat ko na ang pangalan mo sa mga bagong recruit na adventurers dito sa Ashereth, at bibigyan na rin kita ng information kung saan ka pupunta para sa gusto mong class." Sambit ni Faust nang bumalik s'ya sa kanyang office table at inilabas ang isang napaka-kapal na libro.

"Van—Pa'no spelling no'n—with H ba?" Tanong niya ulit habang hawak-hawak ang isang itim na quill feather. Umiling ako. "So, V-A-N? Tapos Glory—tama ba?" Tanong niya ulit.

Tumango na ako.

Sinamahan ko na si Nana doon sa sofa, at kumain na rin ng Siopao. Hindi ako makapagsalita; bukod sa tahimik rin si Nana, eh hindi ko mapigilan ang sarili ko na tignan si Faust.

"M-member s'ya nang Existalsis dati?" Tanong ko kay Nana.

"Oo, isa s'ya sa apat na kasama namin noong nakaraang sampung taon, noong kinalaban namin ang Sovereign." Sagot niya.

Lalo akong namangha sa sinabing 'yon ni Nana. Alam kong kakaiba ang pormahan at datingan nitong si Faust, pero hindi ko maipagkakailang kakaiba ang aura ng lalaking 'to.

Alam kong malakas s'ya.

"A-anong level n'ya—" Naudlot kong sabi.

"Level eighty-seven—" Gitna ni Faust. "Sorcerer." Nakangisi n'yang sagot.

Napaiktad ako sa upuan ko. Ganoon na ba kalakas ang boses ko para marinig n'ya? Sabagay... Kami, kami lang naman ang narito.

"S-sorry." Pagpapaumanhin ko.

"Okay lang, boy..." Malambing niyang tugon. "Matagal na rin naman 'yon..." Saad n'ya with matching pilantik ng daliri.

"Pero, b-bakit kayo umalis sa guild?" Tanong ko ulit. Nilakasan ko na ang loob ko, hindi ko alam kung tama bang itanong ang mga ganoong bagay—pero naiintriga ako eh.

"Hmm?" Ingit ni Faust. "Hindi naman sa umalis ako, pero pagkatapos naming matalo sa Sovereign, pinadalhan ako ng sulat ng hari. Hindi ko naman magagawa ang trabaho ko ngayon, kung kasali pa rin ako sa guild—mahahati ang oras ko kung mananatili ako sa guild, mahahati sa mga misyon—raids—"

"Tamad ka lang." Singit naman ni Nana.

"At isa pa 'yon." Sagot naman ni Faust.

Napakamot na lang ako. Parang alam ko na ang ending nito eh, ganito ba talaga si Nana sa mga kasamahan n'ya sa guild? Kung ganoon naman pala—

Mukhang kailangan kong magtiis.

"Nakapag-isip na ako." Saad ko, para naman maiba ang ambiance.

"Huh?" Sabay akong nilingon nina Faust at Nana.

"Sasali na ako sa Existalsis." Mariin at nakangisi kong sagot.

Nanlaki ang mga mata nilang dalawa sa isinagot ko, dali-dali akong nilapitan ni Nana.

"S-sigurado ka?" Tanong niya sa'kin. "B-bakit? A-anong pumasok sa—"

"Wala na rin naman akong choice 'di ba? Masasayang lang ang oras ko kung maghahanap pa ako ng matinong guild na tatanggap sa'kin." Sagot ko habang nagkakamot ng ulo.

"Pero sa ganda ng status mo," Singit naman ni Faust. "Siguradong hindi ka mahihirapang makahanap ng guild—ba't sa sasali sa bulok na—"

"At sa'yo pa talaga nanggaling 'yang salitang 'yan? Eh member ka rin naman namin dati—" Nakasimangot na gitna ni Nana kay Faust. Hindi naman s'ya nakasagot, at tulad ko'y nagkamot na lamang ng ulo.

Ashereth | A Chronicle | OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon